top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Dec. 7, 2024



File Photo: KADIWA


Pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA) ang kanilang pagsasanib-pwersa upang pabilisin ang pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) program sa buong bansa.


Pormal na nilagdaan nu'ng Biyernes ang isang memorandum of understanding (MOU) na naglalayong ipatupad ang KNP kasabay ng Integrated Livelihood Program (DILP) ng DOLE.


Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, isa sa mga pangunahing layunin ng partnership na ito ay ang pagtatayo ng Kadiwa stores sa mga lugar na may mataas na bilang ng manggagawa, upang mas maging abot-kamay ang mga serbisyo at murang produkto para sa mga pamilyang Pinoy.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 16, 2023




Makatatanggap ang mga kasambahay sa Metro Manila ng P500 na dagdag sa kanilang buwanang sahod, ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Ayon sa DOLE, naglabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng National Capital Region ng isang wage order noong Disyembre 12, na nagbibigay-daan sa P500 na dagdag sa kanilang kasalukuyang sahod mula P6,000 patungo sa P6,500.


Magiging epektibo ang pagbabago simula Enero 3, 2024.


Bukod sa mga kasambahay sa NCR, tatanggap din ang kanilang mga counterpart sa Caraga region ng P1,000 na dagdag sa buwanang sahod na magiging epektibo sa Enero 1, 2024, matapos maglabas ang RTWPB ng Caraga ng isang wage order.


Samantalang tatanggap naman ang mga manggagawang may minimum wage sa Caraga ng P20 na dagdag, mula sa kasalukuyang P350 patungo sa P370, na magiging epektibo sa Enero 1, 2024.


Bilang karagdagan, may P15 na dagdag-sahod na magiging epektibo sa Mayo 2024, na muling itataas ang kanilang sahod mula P370 patungo sa P385.


Ayon sa DOLE, inaasahan na makikinabang ang 65,681 manggagawang may minimum wage sa rehiyon ng Caraga, at 256,476 na mga kasambahay sa Caraga at Metro Manila.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 22, 2023



Ipinaalala ng Department of Labor and Employment na "no work, no pay" sa darating na holiday at long weekend.


Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, makakatanggap ng dagdag 30% ng kanilang sahod ang mga empleyadong papasok sa Oktubre 30, Nobyembre 1 at 2.


May karagdagan pang 30% ang mga empleyadong may overtime at 50% naman ang matatanggap ng mga papasok sa holiday sa araw ng kanilang day off.


"Baka po mayroong umiiral na mas mabuti o mas magandang company policy na kahit na hindi ka pumasok dahil holiday ay babayaran ka rin o anumang klaseng arrangement n'yo ng inyong employer," ani Laguesma.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page