top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Termination ng UP-DND Agreement, wa’ naman ambag sa banta ng pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 21, 2021



Mariing nating tinututulan ang unilateral na pagpapawalang-bisa ng Department of National Defense sa 1989 UP-DND Agreement.


Nitong nakaraang Lunes, nagpadala ng liham si DND Secretary Delfin Lorenzana kay University of the Philippines President Danilo Concepcion tungkol sa pag-terminate ng Agreement.


Ang Agreement na ito, na kilala rin bilang Soto-Enrile Accord ay nagbabawal sa mga state security forces — kapulisan at sundalo — na pumasok sa lahat ng campus ng UP bilang pagkilala sa academic freedom.


☻☻☻


Produkto ang Agreement na ito ng sakripisyo ng hindi mabilang na estudyante ng UP na ipinaglaban hindi lamang ang academic freedom, kundi ang kapakanan ng bawat mamamayan at ng bayan.


Mahalagang mapreserba ang kalayaan ng UP bilang institusyon at ng mga miyembro nito.


Mahalagang sangkap sa demokrasya ang kalayaan na pag-usapan at suriin ang iba’t iba at magkakatunggaling ideya — kahit pa man taliwas ito sa kagustuhan ng sinumang nasa kapangyarihan — sa paghahanap ng solusyon sa mga problemang kinahaharap ng bansa.


☻☻☻


Nagbago na ang konteksto kung sino ang dapat nating kalaban. Hindi ang UP o ang mga estudyante ang kailangang pagtuunan ng pansin.


Mayroong kalabang hindi natatanaw na sumira sa anyo ng pamumuhay na nakilala natin.


Hindi tao, lalong higit na hindi estudyante ang kalaban ng estado.


Ang panawagan ng panahon ngayon ay ang pagkakaisa — ang makaahon tayo at ang bayan sa gitna ng mga unos at ng pandemya.


Ano ang maiaambag ng termination ng UP-DND Agreement sa layunin ng pagkakaisa at pagsugpo sa banta ng pandemya?


Wala.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page