Term of endearment sa BF, buking… JULIE ANNE, 'PUMPKIN' ANG TAWAG KAY RAYVER
ni Nitz Miralles @Bida | March 5, 2023

Sunud-sunod ang endorsement ni Julie Anne San Jose, may cola drink at nitong huli, winelcome siya sa isang fastfood chain bilang ambassadress.
Ipinost nito ang photo nila ng mascot ng fastfood chain at marami ang natuwa.
“Yay, it’s finally out! @Jollibee has always been close to my heart since I was a kid and it’s such a happy feeling to be part of this milestone.
"Hope you can watch the latest Jollibee music video on the official Jollibee Facebook page and Jollibee Studios YouTube channel!”
Kabilang si Rayver Cruz sa mga nag-congratulate kay Julie at ang sabi, “Grabe! Congrats, proud of you!!” at ang sagot ni Julie, “Thank you, pumpkin.”
Ayan, nabuking tuloy na “pumpkin” ang isa sa term of endearment ni Julie sa boyfriend.
Ano pa kaya ang iba? Saka, ano kaya ang pa-cute na tawag sa kanya ni Rayver?
Anyway, mapapanood sina Julie at Rayver sa pelikulang The Cheating Game na collab ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Tanungan na ang JulieVer fans kung kailan ang playdate ng movie ng favorite love team nila.





Comments