Tell Bell at Orange Bell kampihan sa 3-YO Race
- BULGAR
- Jun 1, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 1, 2023
Magkakampihan sina Tell bell at Orange Bell para masilo ang panalo sa magaganap na 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Hunyo 10.
Inaasahang mapapalaban ang magkakamping sina Tell Bell at Orange Bell dahil mga tigasing kabayo rin ang ibang nagsaad ng pagsali sa distansiyang 1,800 meter race.
Una sa listahan ng mga lalahok ay sina Cash On Hand, Danueis Son, I Under Oath, Keep Da Track, Mano Po, Prime Billing, Sweetie Giselle, Take A Chance, Secret Service at Sky Story.
May nakalaan na guaranteed prize na P1-M ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000 habang P100,000 ang iuuwi ng tersero.
Magbubulsa naman ng tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakasunod.
Samantala, hahamigin ng breeder ng winning horse ang P50,000 habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.
Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, todo na ang paghahanda ng mga kalahok kaya tiyak na magandang laban ang kanilang masisilayan sa araw mismo ng bakbakan.





Comments