TEKA NGA HEART AT CHIZ, MAGRE-RENEW NG WEDDING VOWS SA BALESIN
- BULGAR
- Feb 3, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 3, 2024

Hindi si Kathryn Bernardo ang gusto ng mga fans na makapareha ni Jericho Rosales sakaling gumawa ito ng pelikula o tumanggap ng serye.
Mas exciting at tiyak na kikiligin ang mga fans kapag ibinalik ang tambalang Echo at Heart Evangelista sa big screen.
Real-life partners din kasi sila noon at may malalim na pinagsamahan.
For sure, hindi naman ito tututulan ni Sen. Chiz Escudero dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang wifey.
Open naman si Heart kay Sen. Chiz at walang itinatago sa mga nakaraan niyang pag-ibig noong hindi pa sila mag-asawa.
At ngayong Feb. 15 ay magse-celebrate na sina Heart & Sen. Chiz ng kanilang 9th wedding anniversary. Magkakaroon sila ng renewal of vows sa Balesin kung saan sila noon nagpakasal.
Knowing Heart Evangelista, tiyak na bonggacious ang magiging preparasyon ng kanilang wedding anniversary ni Sen. Chiz na balak nilang isabay na rin sa birthday ni Heart ngayong February 14.





Comments