top of page
Search
  • BULGAR

Teams U.S.A., Italy at Puerto Rico darating maging ang Serbia

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 22, 2023



Parang bagyo na lalong lumalakas ang Team USA bago darating sa Pinas ngayong araw Agosto 22. Nanaig ang mga Amerikano sa Gresya, 108-86, sa pagtutuloy ng kanilang paghahanda noong Biyernes sa Abu Dhabi.


Malungkot na bagay para sa mga Griyego ang pagkawala ni 2-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo na nagpasyang lumiban sa World Cup upang magpagaling ng tuhod at maghanda para sa bagong taon ng NBA sa Oktubre. Subalit nanatiling isa sila sa mga maagang paborito bunga ng kanilang pagiging ika-siyam sa FIBA Ranking.


Namuno sa opensa sa ikatlong pagkakataon si Anthony Edwards na may 21 puntos.


Humugot siya ng tulong mula kay Cam Johnson na may 13 at sina Defensive Player of the Year Jaren Jackson Jr. at Austin Reaves na may tig-11 puntos.


Bahagi pa rin ng “Hellas” ang kuya ni Giannis na si Thanasis na kakampi din niya sa Milwaukee Bucks. Sina Papagiannis at Kostas Papanikolaou ay mga ibang manlalaro na may karanasan sa NBA.


Hindi pa nagiging kampeon ang Gresya sa World Cup. Pumangalawa sila sa Espanya noong 2006 at pumang-apat na magkasunod na pumang-apat noong 1994 at 1998.


Nakatakdang magharap muli ang mga Amerikano at Griyego sa opisyal na laro sa Grupo C sa Agosto 28 sa MOA Arena ng 20:40 ng gabi.



Samantala, dumating na sa bansa kamakalawa ng gabi ang Dominican Republic sa pangunguna ni Anthony Towns ng Atlanta Hawks ng NBA para sa Group A, maging ang Greece. Habang ngayong araw ay darating ang mga koponan ng Italy (A), New Zealand (C), Puerto Rico (B), Serbia (B), USA (C) at bukas naman ay August 23 ay ang teams ng China (B), Jordan (C), Lithuania (D) at South Sudan (B) kung saan noong Sabado dumating ang Montenegro.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page