top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Tazama, nagwagi sa inilargang Metro Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 13, 2023



Ipinakita agad ni Tazama ang kanyang tikas matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas, kahapon.


Sinakyan ni jockey JE Apellido, inilista ng anak nina Ultimate Goal at Love You By heart na si Tazama ang tiyempong 1:25.4 minuto sa 1,400 meter race upang angkinin ng winning horse owner na si VE Go Bon ang P10,000 karagdagang premyo.


Segundo si Euroclydon habang tersero at pang-apat sina Bisyo Mag Serbisyo at El Mundo ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


May siyam na karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Samantala, napanood ng mga karerista ang husay ni Princess Mavee nang manalo sa Condition Race (17) noong Sabado ng hapon sa parehong lugar.


Makapigil-hininga ang naging labanan sa rektahan lalo na noong tumawid sa meta dahil halos dikit-dikit sina Princess Mavee, Sir William at Matikas.


Papasok ng huling kurbada ay nasa unahan si Stayinthemoment pero sa rektahan ay biglang nagdatingan sina Princess Mavee, Sir William at Matikas.


Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA), Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, inirehistro ni Princess Mavee ang 1:26.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si LA Decena ang P10,000 added prize.


Dumating na segundo si Sir William, tersero si Matikas habang pumang-apat si Sari Baby.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page