SSL : Lady Bulldogs at Tigers nilapa ang Chiefs at Cardinals

by Gerard Arce @Sports News | October 11, 2026

Photo: Sumirko nang habulin ni Khey Pablo ang bola ng Arellano University upang ibalik sa National University (NU) sa 2026 Shakey's Super League (SSL) Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum kahapon. Wagi sa unang set ang Lady Bulldogs sa iskor na 25-12. (Gen Villota)
Mga laro ngayong Linggo
(Rizal Memorial Coliseum)
1 p.m. - Perpetual vs San Beda
3 p.m. - Adamson vs UE
5 p.m. - Ateneo vs EAC
Sinakmal ng 5-peat-seeking National University Lady Bulldogs ang dominasyong panalo sa Arellano University Lady Chiefs 25-12, 25-16, 25-14, para sa kanilang ikatlong sunod habang winalis ng UST ang Mapua Cardinals sa 25-15, 25-20, 25-21 para sa 2-0 kartada sa Pool B sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup, kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.
Nakatikim lang ng panandaliang pagsubok ang defending champions sa second set, ngunit nagawan pa rin ng paraan ng Lady Bulldogs upang manatiling unbeaten sa Pool A ng ligang suportado ng Shakey’s Pizza Parlor at Peri-Peri Charcoal Chicken.
Gumiya si Chams Maaya ng 10 puntos mula sa anim na spikes, dalawang aces at dalawang kill blocks para dalhin sa 3-0 ang koponan, habang nag-ambag sina Celine Marsh ng walo. Bumida para sa Arellano si Samantha Maranan sa anim na sinundan nina Aleah Alipan at Keisha Abitri ana may tig-lima, na bumagsak sa 1-2 rekord sa torneo.





Comments