top of page
Search
BULGAR

Tayong mga tatay naman ang bida!

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | June 14, 2024



Anak ng Teteng ni Bong Revilla Jr.


Sa darating na Linggo, Hunyo 16 ay ipagdiriwang natin ang Father’s Day na hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.


Ngunit, ang mga bansang tulad ng India, USA, UK, Japan, Ireland, Bangladesh at Pakistan ang Father’s Day ay ginugunita tuwing ikatlong linggo ng Hunyo, na pumatak ng Hunyo 18 noong nakaraang taon.


Ang pagiging isang ama ay hindi puwedeng ipagsawalang bahala dahil ang katulad ng isang responsableng tatay ay isang superhero na palaging nakahanda anumang oras para sa kanilang mga anak.


Walang makasasapat na salita para sa kahalagahan ng ama na walang pagod sa pagtatrabaho basta maibigay lamang ang pangangailangan ng kanyang buong pamilya.


At upang mabigyan ng karampatang pagpupugay ang mga ama at iba pang tumatayo lamang bilang isang ama ay kailangan nating alalahanin ang napakahalagang araw na ito para sa kanila.


Ang kasalukuyang pagdiriwang ng Father’s Day ay hango sa panahon ng Katoliko sa Europa na ginugunita tuwing ika-19 ng Marso, at isine-celebrate ito kasabay ng piyesta ni Saint Joseph na mas kilala bilang ‘Nourisher of the Lord’ para sa mga Katoliko na siyang tumayong ama ng Panginoong Hesus.


Mula rito ay dinala ng mga Amerikano ang tradisyong sinimulan ng mga Espanol at Portuguese sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Ang paggunita sa Father’s Day sa US at iba pang bansa sa labas ng tradisyong Katoliko ay nagsimula noong 20th century pa. 


Ang kauna-unahang pagtatangka ng selebrasyon ng Father’s Day ay isinagawa noong Hulyo 5, 1908 na ginanap sa Fairmont, West Virginia, ngunit hindi ito naging simula para maging national movement at sa halip ay nabuwag pa ang paggunitang ito, pero muling binuhay noong 1911, kung saan naganap ang city wide ng pagdiriwang ng naturang araw.


Sa ating bansa, karaniwang magkakasama ang buong pamilya tuwing Father’s Day, kaya inaasahang puno na naman ang mga establisimyento partikular ang mga restaurant dahil sabay-sabay na kumakain ang kani-kanilang pamilya matapos na magsimba.


Noong unang panahon ay hindi naman gaanong napagtutuunan ng pansin ang okasyong ito ngunit sa paglipas ay nakakaramdam na tayo ng kirot kung hindi tayo nababati sa Father’s Day.


Napakalaking bagay para sa mga ama na mabati sila ng mga kaibigan o kakilala — lalo’t higit ito kung magmumula ang pag-alaala sa mismong mga anak.


Kaming mga ama ay hindi naman umaasa ng kahit anong pabulosong pagdiriwang o regalo — ‘yung simpleng halik lang mula sa anak o iba pang mahal sa buhay at bumati ng happy Father’s Day ay labis-labis nang kasiyahan.

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page