top of page
BINI Gwen.jpg

Taxi nadaganan ng trak, 6 nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
51 minutes ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 29, 2026



Ang dump truck na may kargang basura at dumagan sa taxi sa Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City - Bgy. Payatas DRRMO & Fire Brigade

Photo: Ang dump truck na may kargang basura at dumagan sa taxi sa Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City - Bgy. Payatas DRRMO & Fire Brigade



Anim na indibidwal ang sugatan matapos tumagilid ang isang dump truck na may kargang basura at dumagan sa taxi sa Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City, Martes ng gabi, Oktubre 27.


Ayon kay Angelo Janoras, Barangay Payatas Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) focal person, kabilang sa mga naipit ang driver ng dump truck at limang sakay ng taxi, kasama ang driver nito.


Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima para gamutin at patuloy na inoobserbahan ang kanilang kondisyon.


Ligtas namang nakalabas sa dump truck ang pahinante, na kapatid ng driver. Sinabi niyang nagising na lamang siya nang tumagilid ang sasakyan.


Dahil sa insidente, pansamantalang nahinto ang daloy ng trapiko sa Payatas Road para bigyang-daan ang clearing operation. Alas-2 ng madaling-araw nang muling madaanan ng mga motorista ang magkabilang linya ng kalsada.


Iniimbestigahan na ng QCPD Traffic Sector 5 ang sanhi ng aksidente at posibleng pananagutan ng driver ng dump truck, na ginagamot pa sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page