Tawang-tawa sa ex-GF daw ni Rico… CLAUDINE, IPINAGSIGAWANG 'DI KILALA SI SABRINA
ni Julie Bonifacio @Winner | July 14, 2023

Sa pamamagitan ni Bianca Lapus ay nakuha namin ang reaksiyon ni Claudine Barretto sa mga sinabi ni Sabrina M. hinggil sa diumano’y relasyon nila ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Si Bianca ay malapit na kaibigan ni Claudine, kaya ‘di maiiwasan na matanong siya tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ng kaibigan sa isyu ng dalawa.
“Actually, sinabi ko sa kanya na may presscon ako. Sabi ko, ‘Baka tanungin ako about you.
Siyempre, alam nila na I’m your best friend.’ Sabi ko, ‘Bigyan mo ako ng sagot,’” panimula ni Bianca nu’ng makausap namin sa presscon ng Hiraya Theater Production kung saan bahagi ang aktres.
Pagpapatuloy ni Bianca, “Tapos, sabi lang niya sa akin, 'Kesa mag-waste ako ng money at oras para lang magdemanda…' Hindi raw niya kilala si Sabrina. Actually, nagtawanan lang kami nu’ng lumabas ‘yung isyu.”
Ikinuwento rin ni Bianca ang naging reaksiyon ni Claudine nu’ng malaman niya ang mga sinabi ni Sabrina.
“More on, natawa siya. Parang, 'Totoo ba?' Kasi ‘yung timeline, kasi parang hindi naaayon sa ano… maaaring siguro, nagkakilala sila, pero relasyon for two and a half years is just really impossible,” tsika ni Bianca.
In fact, natawa pa raw si Claudine sa sinabi ni Sabrina na alam niya ang tungkol sa relasyon nito at ni Rico.
“Yes,” pagkumpirma ni Bianca. “‘Yun ‘yung medyo natatawa siya pero naiinis din siya, ‘di ba?
Parang, ‘Ano’ng alam ko roon? Siya nga, hindi ko kilala.’So, ito ay fresh na fresh at galing talaga sa aking kaibigan.
“Saka ano po, ako naman, eh, as a friend din, I have nothing against Sabrina pero, I mean, whenever I see her, medyo acquainted naman ako sa kanya.
“Pero ‘yun lang, as a friend, I mean, as a loyal friend of Claudine and Rico, bakit parang idinamay pa sila? Parang, huwag na sanang gamitin ‘yung mga names nila.
“Actually, ‘yun lang ang ano ni Claudine, bakit idinadamay pa ang name niya? Lalo na ang name ni Rico na tahimik na.
“So, hindi po totoo na magpa-file si Claudine ng kaso dahil hindi nga raw niya kilala (Sabrina).
Hindi raw niya pag-aaksayahan ng panahon,” paglilinaw pa ni Bianca.
Sa palagay niya, saan nanggaling ang balitang idedemanda ni Claudine si Sabrina?
Sagot ni Bianca, “Uh, ang alam ko po kasi, ang napag-usapan po is… parang ‘yung family ni Rico ‘yung nag-iisip. Narinig ko lang po ito, ha? Na kung magtutuluy-tuloy ang pagtsitsika ni ano (Sabrina) about Rico, uh, hindi ko alam kung magkakaso siya or what? Cease and desist?
“‘Yun ang ipapagawa ni Rico (family), if hindi siya patatahimikin. So, it’s not Claudine ang magpa-file ng kaso.
“But according to Claudine, kung hindi siya parang i-stop na idawit, eh, baka, baka meron siyang ano, move.
“But right now, ang stand niya right now, ‘yun nga, she’s not gonna spend money and time na idemanda siya (Sabrina) dahil hindi nga naman daw niya kilala and what more na, paano niya malalaman?”
Anyway, 18 years na pala ang Hiraya Theater Production. And from the very start, ka-join na si Bianca ng naturang theater company na pag-aari ni Direk Chaps Manansala.
Well, isa si Bianca sa mga original theater actors ng Hiraya, from their first plays like New Yorker in Tondo.
Ang latest stage play ng Hiraya Theater Production ay ang Sinadasal kung saan isa si Bianca sa mga main performers.
Ang iba pang stage plays ng Hiraya ay ang Frog Prince at Tatlo Buo.





Comments