top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taunang pagbabakuna kontra-COVID-19, plano ng gobyerno — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | March 26, 2022



Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibilidad na magsagawa ng taunang programa para sa pagbabakuna laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).


“Tinatantiya ng ating mga eksperto na magiging trangkaso na lang [ang COVID], sa trangkaso mayroon tayong tinatawag na yearly flu shots. ‘Pag nagkataon ‘yan, baka kailangan taunang bakuna, titingnan din kung lahat ba ng population o ‘yung high risk at vulnerable lamang,” pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.


Ayon kay Cabotaje, ang pagpapabilis at pagpapalawig ng vaccination program ay nasa ilalim ng 10-point agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapanatili at pag-accelerate para sa economic recovery ng bansa mula sa pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng tinatawag na whole-of-government approach.


“Kailangan nating palawakin ang ating mga bakuna center, papuntahin sa mas malapit na bakuna center ang ating mga mamamayan, mas mapabilis at mapadali natin ang procedures para magpabakuna sila, at alisin natin ‘yung mga hindi kailangan na restrictions,” saad ni Cabotaje.


Iniulat din ni Cabotaje na hanggang nitong Marso 24, umabot na sa 65.5 milyong Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19, habang 11.7 milyon booster doses naman ang kanilang na-administered.


Aniya pa, nalampasan din ang target ng gobyerno na bilang sa isinagawang pagbabakuna ngayong buwan para sa 4th wave ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive.


Sinabi naman ni Cabotaje na magsasagawa rin ng isang special vaccination day sa Region 11, Cebu province, at Cotabato City mula Marso 29 hanggang 31, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula Marso 30 hanggang Abril 1, 2022.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page