top of page

Taumbayan, nagsipila sa Kadiwa sa akalang P29 per kilong bigas, P50 pala, aruy!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 13, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PARANG INAASAR SI EX-P-DUTERTE, KASI ALAM NAMAN NG LAHAT NA SUKDULAN ANG GALIT NG EX-PRESIDENT SA ICC, TAPOS NAIS NG MARCOS ADMIN PUMALOOB ULI RITO -- Pinaplano raw ng Marcos administration na bumalik uli bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC) matapos na kumalas dito ang Pilipinas sa panahon ng Duterte administration.


Para namang inaasar ng Marcos admin si ex-P-Duterte, kasi alam naman nilang sukdulan ang galit ng ex-president sa ICC dahil nasampahan siya rito ng kasong crimes against humanity, tapos gusto pa uli ng gobyernong Marcos na pumaloob sa ICC, period!


XXX


DAPAT PAHUBARAN NG MASKARA NI PBBM KUNG SINO ANG NASA LIKOD NG BENTAHAN NG P50 PER KILONG BIGAS SA MGA KADIWA STORES -- Ikinagulat daw ni PBBM ang ulat na P50 per kilong bigas ang ibinebenta sa mga Kadiwa stores sa halip na P29 per kilo.


Hindi dapat maggulat-gulatan lang si PBBM sa isyung iyan, at ang dapat niyang gawin ay paimbestigahan at hubaran ng maskara ang nasa likod ng pagbebenta ng P50 per kilong bigas sa mga Kadiwa stores kasi sa kanya magbo-boomerang ito. Sa kanya magagalit ang mamamayang nagpakapagod na pumila sa mga Kadiwa stores sa pag-aakalang P29 lang ang per kilo ng bigas dito, iyon pala ay P50, boom!


XXX


MAGBAYAW NA SEN. NANCY AT CONG. LUIS CAMPOS, IMBES MAGTULUNGAN SA PAGLILINGKOD SA KANILANG MGA CONSTITUENT, MAG-AAGAWAN PA NG TRONO -- Maglalaban daw sa pagka-alkalde ng Makati City sina Sen. Nancy Binay at bayaw nito na si Makati City Rep. Luis Campos, mister ni incumbent Mayor Abby Binay-Campos.


Hay naku, imbes magbigayan sa posisyon at magtulungan na lang sa paglilingkod sa kanilang mga constituent ang magbayaw na ito, eh maglalaban pa, mag-aagawan ng trono sa pamumuno sa lungsod, tsk!


XXX


RAKET NA JUETENG AT SAKLA NI ‘WILLY BOKBOK’ LANTARAN ANG OPERASYON SA NASUGBU, BATANGAS -- Lantaran daw ang operasyon ng jueteng at sakla ni alyas “Willy Bokbok” sa Nasugbu, Batangas.


Dapat aksyunan ito nina Nasugbu Mayor Antonio Barcelon, newly-appointed Nasugbu chief of police, Maj. Nemecio Calipio at Batangas PD Col. Samson Belmonte para matigil na ang pangraraket ni “Willy Bokbok” sa mga residente na kanilang nasasakupan, period!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page