Taumbayan ba ang mag-aabono sa P15-B na ninakaw ng mga buwaya sa PhilHealth kaya...
- BULGAR

- Jan 5, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 8, 2021
May dagdag-butaw? Buwisit!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 5, 2021
DAGDAG-BUTAW SA PHILHEALTH, I-STOP MUNA—Pinakiusapan daw ni Sen. Christopher “Bong” Go si P-Duterte na pagsabihan ang PhilHealth officials na huwag munang magtaas ng butaw sa mga miyembro nito ngayong panahon ng pandemya.
Sana, huwag matuloy ang PhilHealth increase contribution kasi sa panahon ngayon ay may kabigatan sa mamamayan ang dagdag-butaw, magiging P350 ang minimum premium contribution sa PhilHealth mula sa dating P300 sa mga kumikita ng P10,000 pababa, at sa mga kumikita ng P70,000 pataas, ang contribution ay P2,450 bawat buwan, period!
◘◘◘
HINDI KATANGGAP-TANGGAP NA TAUMBAYAN ANG MAG-AABONO SA DINIKWAT NA P15-B SA PHILHEALTH—Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga opisyal ng PhilHealth at nagawa pa nilang pagkaisahan na apruban na maningil ng dagdag-butaw sa mga PhilHealth members?
Hindi kasi katanggap-tanggap na ang dinikwat na higit P15 billion ng mga buwaya sa PhilHealth ay ang taumbayan ang mag-abono, buwisit!
◘◘◘
PARANG SINABI NI SEN. DELA ROSA NA MAG-THANK YOU ANG PINOY SA MGA ISMAGLER—Sabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay imbes na batikusin, dapat pasalamatan ng taumbayan ang mga taga-PSG (Presidential Security Group) na nagpasok ng COVID-19 vaccines sa bansa na ipinangturok sa kanila kahit walang pahintulot ng Foods and Drugs Administration (FDA) upang maprotektahan si P-Duterte laban sa nakakahawang COVID-19.
Parang sinabi na rin ni Sen. Dela Rosa na mag-thank you ang mamamayan sa mga smuggler, boom!
◘◘◘
ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA SECRET ANG GINAWANG PAGBABAKUNA—Sa ibang bansa, todo-publicity ang mga gov’t. officials habang sila ay binabakunahan ng pangontra sa COVID-19 upang himukin ang kanilang mamamayan na magpabakuna na rin.
Onli in da ‘Pinas lang na sikreto ang ginawang pagbabakuna ng mga gov’t. officials at mga sundalo kasi ayaw nilang malaman ng publiko na silang mga nasa posisyon ay ligtas na sa virus, at ang sambayanang Pinoy ay hindi pa, dahil hanggang ngayon ay wala pang nabibiling bakuna ang Duterte gov’t. para sa mamamayan, period!





Comments