top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Taumbayan, ayaw paawat sa pagsaway sa health protocols; LGUs aminadong hirap nang magsaway

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2021
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 13, 2021


Isa sa mga sinisisi ng pamahalaan sa biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ay ang mga quarantine violators.


Nariyan ang mga hindi nagsusuot ng facemask at face shield, lumalabag sa social distancing at curfew, at kung anu-ano pa.


Kamakailan, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot sa halos 50,000 katao ang nabigyan ng warning dahil sa paglabag sa health protocols sa unang linggo ng Marso.


Base sa mga datos, mula Pebrero 27 hanggang Marso 5, 2020, umabot sa 47,536 ang nasita ng kapulisan kung saan ang 33,893 ay binigyan ng warning at 552 ang inaresto, habang ang iba naman ay pinagmulta.


Samantala, pinarurusahan ng ilang lokal na pamahalaan ang mga lumalabag sa first offense with warning, multa naman sa ikalawang paglabag at huhulihin na ang third-time violator. Ang iba naman ay hindi nanghuhuli ngunit pinagmumulta.


Sa totoo lang, hindi nakapagtataka kung ganito karami ang naitatalang paglabag dahil araw-araw, napakarami nating nakikitang pasaway.


Mula sa paglabas pa lang ng bahay, hanggang sa pampublikong transportasyon at hanggang sa mga pila sa establisimyento.


Habang patuloy sa kani-kanilang diskarte ang mga lokal na pamahalaan para mapasunod ang mga residente, may ilang barangay officials naman ang umamin na hirap silang sumita ng quarantine violators.


Sa hanay naman ng kapulisan, umabot pa sa sibakan sa puwesto dahil nabigong magtalaga ng sapat na bilang ng pulis sa mga lugar na naka-lockdown.


Bagama’t nakadidismaya, nakalulungkot din dahil isang taon na tayong nahaharap sa pandemya, pero sa kabila ng paulit-ulit na mga paalala at babala, siguro nga, marami na ang napagod at dedma na lang sa mga umiiral na health protocols, kumbaga, bahala na kung tatamaan ng sakit.


Gayunman, kasabay ng pagsisikap ng ating LGUs, hiling nating makiisa rin ang publiko dahil kahit ano’ng gawin natin, hindi lang dapat gobyerno ang nakikipaglaban sa pandemya kundi pati tayo ring taumbayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page