top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tatum ng Celtics at Vincent ng Heat sa larong maiinit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 14, 2023




Ipinamalas ng Boston Celtics ang lalim ng koponan sa 109-98 panalo sa Brooklyn Nets sa pagtagpo ng dalawang koponan sa taas ng Eastern Conference ng NBA kahapon sa Barclays Center. Binigo rin ng Miami Heat ang pumapangatlong Milwaukee Bucks, 108-102, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.


Nahirapan sa una ang Celtics sa pagliban nina Al Horford (likod) at Jaylen Brown (hita) na gumawa ng 41 puntos noong isang araw sa kanilang 125-114 panalo sa New Orleans Pelicans noong isang araw. Kinailangan ng Boston ang 12-2 simula sa 4th quarter upang tuluyang lumayo, 96-84, sa pangunguna nina Malcolm Brogdon at Payton Pritchard.


Nagsumite ng 20 puntos at 11 rebound si Jayson Tatum habang bumalik-aksiyon matapos umupo ng dalawang laro si Marcus Smart at nag-ambag ng 16 puntos at 10 assist. Ito na ang ika-limang sunod ng Celtics para sa kartadang 31-12 at tatlong laro ang lamang sa Nets na bumaba sa 27-14.


Kumilos ang Heat ni kabayan Coach Erik Spoelstra sa 4th quarter at naramdaman ng Bucks ang pagliban ni Giannis Antetokounmpo na masakit ang tuhod. Nanguna sa Heat si Gabe Vincent na may 28 puntos na tig-11 ang dumating sa 2nd at 3rd quarter.


Sumunod si Bam Adebayo na may 24 puntos at 12 rebound.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page