top of page

Tatum at Barrett binalikat panalo ng Celtics at Raptors

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 31, 2026



Jayson Tatum vs Celtics - Boston Celtics

Photo: Jayson Tatum vs Celtics - Boston Celtics



Nadagdagan ang mayaman na kasaysayan ng Boston Celtics sa 114-99 panalo nila sa Charlotte Hornets sa NBA kahapon sa Spectrum Center. Nagtala rin ng bagong marka sa puntusan ang Toronto Raptors laban sa Orlando Magic, 139-87.


Kahit sabay lumiban sina Jaylen Brown at Derrick White pero itinuloy ni Jayson Tatum ang kanyang milagrong paghilom ng pilay sa sakong at nagbagsak ng 32 puntos. Inakyat sa unang lima si reserba Payton Pritchard at nag-ambag ng 28.


Ang Celtics na ang pangalawang koponan sa Eastern Conference na may 50 panalo sa likod lang ng nangungunang 54-20 Detroit Pistons. Ito na rin ang kanilang ika-limang sunod na torneo na may 50 o higit at nakakatiyak na sila sa playoffs sa ika-12 sunod na taon.


Lamang ang Magic ng maaga, 20-14, at mula doon ay hindi sila pumuntos hanggang kalagitnaan ng pangalawang quarter at bumuhos ng nakakahilong walang sagot na 31 puntos ang Raptors na bagong marka sa NBA. 


Bumida sa Toronto si RJ Barrett na may 25 puntos. Sa ibang laro, nagpasilip ng isang maaaring magtapatan sa NBA Finals at nilampasan ng World Champion Oklahoma City Thunder ang hamon ng New York Knicks, 111-100. Nagpasok ng 10 ng kanyang 30 sa huling quarter si MVP Shai Gilgeous-Alexander. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page