top of page
Ellen Adarna - IG.jpg

Para runner Reyes, bronze sa 1,500 meter T46 sa Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
1 min read

by MC / Elyssa Nichole @Sports News | October 24, 2026



Ika-2 ginto sa Asian Para Games, sinisid ni Alergabes

Photo: King James Reyes / Circulated



Pinatingkad ni King James Reyes ang kanyang kampanya sa Asian Para Games para sa tansong medalya sa men's 1,500-meter T46, na nagbigay sa unang athletics podium finish ng Pilipinas sa Mizuho Park Athletic Stadium sa Nagoya. 


Ang 24-anyos na tubong Loreto, Agusan del Sur, na nawalan ng braso matapos mahulog mula sa puno ng macopa sa edad na 5 ay nagtala ng personal-best na 4 minuto at 13.81 segundo para sa ika-3 puwesto.  


Si Wahumpurage Puwakpitikande ng Sri Lanka ay nagwagi ng ginto sa oras na 4:03.25, habang si Parmod ng India ang pilak sa oras na 4:09.65. “Personal best ko po,” sabi ng masayang nagtapos na estudyante ng Sports Science sa Adamson University. "Alam ko na po sa sarili ko na kayang-kaya ko pong mag-podium. Pinaghandaan po kasi namin, kasama 'yung mga sakripisyo namin."


Patungo sa huling araw, ang delegasyon ng Pilipinas, na suportado ng Philippine Sports Commission, ay nasa ika-17 sa standings na may 2 ginto, 2  pilak at 2 tanso. Ibinigay din nina Evaristo Carbonel at Edwin Enguito Jr. ang lahat ngunit kinulang sa medalya.


Nagtala si Carbonel ng personal-best na 27.18 metro sa men’s discus throw F11 para sa 5th place habang si Enguito ay 4th sa men’s high jump T63 na may clearance na 1.63 metro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page