top of page

Tatay, mauunahan na, Janine… ANAK NI ECHO, GAME PAKASALAN ANG BEAUTY QUEEN NA ANAK NI HANS MONTENEGRO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 15, 2026



TEKA NGA - ANAK NI ECHO, GAME PAKASALAN ANG BEAUTY QUEEN NA ANAK NI HANS MONTENEGRO/YT Beth Aglasi

Photo: YT @Beth Aglasi



Isinapubliko na ng anak ni Jericho Rosales na si Santino ang relasyon niya sa beauty queen na si Ashley Montenegro, anak ni Hans Montenegro. Posibleng mauwi na raw sa pagpapakasal ang lahat dahil nasa seryosong level na ang kanilang pagmamahalan.


Kaya naman binibiro na si Jericho na baka mauna pang magpakasal ang anak niyang si Santino. Hindi pa kasi naaayos ni Jericho ang annulment ng kasal nila ng kanyang estranged wife na si Kim Jones.


Well, buntis na kaya ang beauty queen GF ni Santino kaya sila magpapakasal? Kung true nga, magiging lolo na si Jericho Rosales. Kayanin kaya ni Janine Gutierrez na ang BF niya ay isang lolo?


Anyway, sa hitsura ngayon ni Jericho, hindi naman siya mukhang lolo. Hindi nagkakalayo ang pormahan nila ni Janine kahit may agwat ang kanilang edad. 

Si Janine ang nag-a-adjust kay Jericho upang hindi sila maging alangan sa isa’t isa.





Nang magdiwang ng kanyang 29th birthday si Julia Barretto ay nakumpirmang single na siya at wala na sa buhay niya si Gerald Anderson. Hindi dumalo ang aktor sa birthday celebration ni Julia, kaya nangangahulugan na tinapos na nila ang kanilang relasyon.


Hindi totoong nagkabalikan sila nang magkita sa burol ng kanyang Tito Mito, kapatid nina Marjorie, Gretchen at Claudine. Wala ring sightings na magkasama sina Julia at Gerald sa anumang events sa showbiz. Hindi rin sila nagpo-post ng kanilang mga larawang magkasama sa social media.


Kaya nagtatanong ang kanilang mga fans kung nagkaroon ba sila ng agreement na ‘cool off’ muna sila at binigyan ng space ang isa’t isa? 


Career ang prayoridad ngayon ni Julia at pinatatatag ang kanyang financial status para sa kanyang future.


So far, wala pa namang bagong babae na nauugnay ngayon kay Gerald Anderson. Si Julia Barretto naman ay nababalitang may manliligaw na ‘richie richie’.





TUKOY na raw kung sino ang babaeng involved sa kontrobersiyal na sex video scandal kasama ang apat na aktor. 


Maging ang kasabwat ng babae na kumuha ng video ay natunton na rin kaya sila ay posibleng kasuhan ng apat na personalidad.


Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang tutulong sa mga celebrities na nagiging biktima ng ganitong illegal na gawain. Hindi pinapayagan ang pagkuha ng video ng sinuman kapag walang pahintulot ng kinukunan.


Maaaring dumulog at humingi ng tulong ang mga celebrities na nabibiktima sa FDCP upang kasuhan ang mga taong involved sa ganitong gawain. Pinag-iingat din ang mga artistang pinagkakakitaan sa mga kontrobersiyal na videos.



MAGANDA ang feedback sa pagbabalik ng comedy-variety show na The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ngayon ay nagbabagong-bihis o format. TBATS On the Go na ito at hindi na lang sa studio ng GMA nagte-taping.


On location na ang bawat episode ng show at may mga celebrity guests sa bawat lugar na kanilang pupuntahan gamit ang TBATS Laff Van. 


Ramdam ang kakaibang sigla at excitement ng mga hosts na sina Boobay at Tekla sa bagong format ng TBATS.


Mas nagkaroon ng masayang ambiance ang show at nag-enjoy ang mga viewers sa pagbabago nito. Mas naging komportable na rin sa isa’t isa sina Boobay at Tekla. Swak na swak na ang kanilang chemistry sa pagpapatawa.


May ilang netizens naman ang nag-request na sana ay mai-guest sa TBATS ang mag-BFF na sina Ai Ai delas Alas at Arnell Ignacio. Parehong magaling magpatawa ang dalawa at matagal nang hindi nagkakasama sa anumang TV show.


For sure, marami silang tips na maibibigay kina Boobay at Tekla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page