top of page

Tatay lang ng mga anak ang kaaway… MARJORIE AT ISA PANG EX NI DENNIS, BFF NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 18, 2025



Photo: Linda Gorton at Marjorie Barretto - IG


Nag-post si Marjorie Barretto ng photos nila ng ex din ni Dennis Padilla na si Linda Marie Gorton at binati niya ito ng “Happy Birthday”. 


Comment ng mga netizens, may pagkakahawig ang dalawa.

Sey ni Marjorie, “Happy Birthday to my beautiful friend Linda. It’s been wonderful getting to know you. Our late night 2-hour Facetime calls are never enough. Can’t wait to see you at the end of May. Let’s celebrate our birthdays together!”


Sagot ni Linda, “This is so sweet of you, Marj! True, we always have a good laugh and meaningful conversations. Thank you for being so kind and thoughtful. Hugs and kisses to you and the kids. And yes, let’s celebrate soon.”


Binati rin ni Dani Barretto si Linda at pati friends ni Marjorie, nakibati na rin. Patunay daw ang post at birthday greetings ni Marjorie sa ex ni Dennis na in good terms sila at si Dennis lang ang hindi nila kasundo.


May nag-comment naman na parang sagot ni Marjorie ang post ng photos nila ni Linda sa naunang post ni Dennis na kasama naman si Kier Legaspi. 


Kung anuman ang dahilan, hayaan na natin sila. Ang importante, walang nag-aaway online at lahat ay masaya.


Speaking of Marjorie, pinasalamatan nito ang 112K na bumoto sa kanya at kahit hindi siya nanalo, tuloy pa rin ang pagtulong niya. Magpapahinga lang daw siya at muli siyang kikilos.



INAABANGAN ng mga JulieVer fans ang birthday gift ni Rayver Cruz sa girlfriend na si Julie Anne San Jose na nagdiwang ng kaarawan kahapon. 

Matamis na birthday greetings pa lang ang ipinost ng singer-actor, susunod na siguro ang material gift nito.


Pagbati ni Rayver (as is), “To the woman who stole my heart. My love, Happy Happy birthday to you know that I will always be here for you mahal no matter what. I will always be your forever number 1 fan, super proud ako sayo my love sa lahat lahat at lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita hinding hindi ako magsasawang sabihin sayo yan everyday. Cheers to 31 love! May God bless you more and more!!


“P.S. These are some random videos of us together para maiba naman haha and para maipakita ko sa lahat kung gaano ako kaswerte to have you in my life mwaggg love you so much!!”


Sweet din ang sagot ni Julie sa very sweet birthday greetings sa kanya ng kanyang jowa. 

Aniya, “Thank you, my love!!! Naiyak naman ako dito huhu araw-araw mo ko pinapakilig at inaalagaan in the best way you can. I feel so blessed at ang swerte ko sayo. I love you so much forever and ever.”


Pinasalamatan din ni Julie ang lahat ng bumati sa kanya sa Instagram account ni Rayver. Kabilang dito ang brother ni Rayver na si Rodjun Cruz na “Queen” ang tawag sa GF ng kapatid. “King” naman kasi ang tawag ni Rodjun kay Rayver.


Samantala, nagre-request ng Book 2 ang mga viewers ng SLAY na isa si Julie sa mga bida. 


Nag-finale na ang series sa Viu at malapit na itong matapos sa GMA-7 at dahil nabitin ang mga viewers, nagre-request sila ng part 2.



NAGPASALAMAT si Alfred Vargas sa muli niyang pagkapanalo bilang konsehal sa District 5 ng Quezon City at nagpasalamat na rin sa pananalo ng kapatid na si PM Vargas bilang congressman.


Pahayag niya, “Doble-dobleng pasasalamat sa lahat ng ating kababayan para dito sa ating double victory sa District V!


“Maraming salamat sa inyong pagmamahal, suporta at tiwala through the years! Sa gitna ng napakaraming paninira, fake news, kataksilan, kasinungalingan at pandaraya, nanatili kayong tapat at totoo at nanindigan para sa prinsipyo at tunay na serbisyo. Inilaban ninyo kami kahit mahirap. Sinamahan n’yo kami hanggang dulo.


“Dito natin naipakita na isa tayong tunay na pamilyang magkasama sa hirap man o ginhawa at handang lumaban para sa tama at para sa isa’t isa at para sa bayan!”


Kinongratyuleyt ni Alfred si PM at tinawag na tunay na lider na may sinseridad, puso at tapang para sa mamamayan ng Novaliches. 


“We are proud of you. Nanalo ka muli at mahal ka ng distrito dahil isa kang mabuting tao na may tunay na pagtulong at malasakit sa kapwa,” ani Alfred.


Nangako naman si Alfred ng patuloy na paglilingkod at lalo niyang pagbubutihin ang kanyang mga programa at palalakasin ang pagsasama nila ng kanyang mga nasasakupan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page