Tatandang dalaga na lang daw… BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 11, 2026

Photo: Instagram / Bea Alonzo
Ano kaya ang talagang nasa likod ng mga kuwento hinggil sa naglalabasang hindi na raw matutuloy ang umano'y kasalang Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain? Dapat sana ay lilipad na ang dalawang personalidad sa Spain kung saan doon sila magpapakasal sa mismong vineyard na pag-aari ng pamilya Co sa darating na Mayo 16.
May lumabas pa ngang na-move ang date ng kasal ng May 14, huh!
Pero, kasunod nito ay umalingawngaw naman sa online platforms na hindi na tuloy ang kasalang Bea-Vincent dahil sa hindi raw pagpirma ni Bea sa prenup.
Kamakailan ay may post si Bea sa kanyang Instagram account kung saan ang ine-endorse niyang jewelry ang topic.
Aniya sa caption, “Some things don’t need explaining… You just know, that’s how it feels when you find the right diamond. Take a look at My Diamond - there”s always that one piece waiting for you.”
Marami ang naka-misinterpret sa caption ng Kapuso actress.
Ani ng isang netizen: “Ganda mo, Ms. Bea. So brave. Ibalik mo na lang ‘yung guy sa palda ng mama n’ya.”
“‘Yun naaaa... Real life caption.”
“Sana, ‘di totoo nabasa ko na BI (blind item).”
“There’s a blind item for them cancelled due to prenup daw. Ganyan talaga ‘pag Chinese.”
“Ang panget pakinggan nang dahil sa prenup, wala silang pakialam sa kani-kanilang yaman nu’ng mga dalaga't binata pa sila. Magsimula silang magpundar ‘pag mag-asawa na sila.
‘Yung para sa kanila na at sa bubuuin nilang pamilya. Kung ganyan na lagi ang problema, tatanda na lang si Bea kasama ang pamilya n’ya, pera n’ya, tapos walang anak.”
“Time to tell the truth.”
Hindi ito ang unang beses na nabalitaang hindi matutuloy ang kasal ng aktres. Ang una ay sa aktor na si Dominic Roque at ngayon naman ay sa multi-billionaire na si Vincent Co.
Well, may ilang araw pa naman bago dumating ang actual date ng kanilang kasal, wait na lang po natin.
Misis, I respeto raw…
JERALD, INUTUSANG BUNTISIN SI KIM, PUMALAG SA NETIZEN
Ipinagtanggol ni Jerald Napoles ang asawang si Kim Molina matapos magbitaw sa social media ng hindi kanais-nais na komento ang isang netizen tungkol sa hindi pagbubuntis nito.
Sey ng isang netizen sa Facebook (FB), “Jerald Napoles, buntisin mo para mawala ang kembot. Hahaha!”
Dahil dito, agad na sumagot si Jerald at ipinahayag ang kanyang pagkadismaya sa kawalan umano ng respeto sa kanyang misis.
Aniya, “Pakigalang ‘yung asawa ko. Kung makautos ka ng buntisin, walang respeto, eh. Choice ng asawa ko kung kailan n’ya gusto. Her body, her choice.”
Ibinahagi naman ni Kim ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng netizen at pinasalamatan ang kanyang asawa sa pagtatanggol sa kanya laban sa mga mapanghusgang komento online.
Sa kanyang post, sinabi ni Kim, “When people go beyond overboard na para bang wala akong choice… Buti na lang nand’yan ka, Jerald Napoles. Forever grateful for you.”
Ipinaliwanag din ng komedyanang aktres na kadalasan ay hindi niya pinapansin ang mga negatibong komento, ngunit nais niyang ipakita kung gaano kahalaga ang suporta ng mga mahal sa buhay sa mga personal na desisyon.
Ayon pa kay Kim, ang kanyang fitness journey ay hindi lamang para maging ‘sexy’ o ‘payat’ kundi para mapanatili ang malusog na pangangatawan at maging handa sa mga plano nila ng kanyang asawa sa hinaharap.
Dagdag pa niya, “We need to respect each other’s wishes and personal goals. I’m trying to be fit not to be skinny, but to be healthy.”
Marami namang mga netizens ang nagpahayag ng suporta sa mag-asawa at pinuri si Jerald Napoles sa pagiging mapagmahal at supportive nito.
Ang pinakamasakit na salitang narinig umano ni Gerald Anderson mula sa dating nakarelasyon ay, ‘Binalewala mo ako’ o ‘You took me for granted’.
Ito ang inamin ng aktor sa isang panayam habang kasama si Baron Geisler para i-promote ang serye nilang Blood vs. Duty (BVD).
Noong una ay nag-alinlangan pang sumagot si Gerald at pabirong sinabi, “Wow! Ano ba naman ‘yang tanong mo bro?”
Nang sabihin naman ni Baron na maaaring hindi nakita ng babae ang pagsisikap ni Gerald, maikli lamang ang naging tugon nito.
Sagot niya, “‘Di na, iwan na nating du’n.”
Matapos kumalat online ang video clip ng panayam, umugong ang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.
May ilang naghinala na ang tinutukoy umano ni Gerald ay si Julia Barretto, ang kanyang huling nakarelasyon, bagamat wala siyang direktang binanggit na pangalan.
Dahil dito, muling nabuhay ang mga lumang kontrobersiyang iniuugnay kay Gerald, kabilang ang mga alegasyon noon ng ghosting, cheating, at pagiging babaero. Marami rin ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa naging pahayag ng aktor.
Bukod kay Julia, naging karelasyon din niya sina Kim Chiu at Maja Salvador.
Naiugnay rin siya noon kina Sarah Geronimo at Pia Wurtzbach noong panahong si Bea Alonzo pa ang kanyang girlfriend.
Sa ngayon, single pa rin ang aktor at wala pang nali-link na babae matapos ang hiwalayan nila ni Julia. Wala pang kumpirmasyon kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng aktres.
Tutok ngayon ang aktor sa serye kung saan kasama rin niya sina Richard Gutierrez at Baron Geisler.





Comments