top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tatamaan ng asteroid ang Earth, kailangan na ng bagong planeta

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 8, 2021



Tatlong misyon o biyahe ng spaceships ang makakarating sa buwang ito sa planeta ng Mars.


Nagkukumahog sila na maibiyahe ang “tao” tungo sa ibang planeta.

Bakit?


Delikado kasi na may sumalpok na asteroid sa earth—anumang taon mula ngayon!


◘◘◘


Petsa na lang ang hinihintay sa pagbagsak ng asteroid sa daigdig na minsan nang naranasan sa panahon ng dinosaurs, milyun-milyong taon na ang nakakaraan.


Sa ngayon, daplis-daplis lang sa earth ang mga dambuhalang asteroid.


Paano kung magkamali ng panukat o pagsusuri ang mga eksperto at malingat sila: Bigla nang may bumagsak na asteroid sa earth?


◘◘◘


Bukod sa Mars, nais ding ilipat ang sibilisasyon ng tao sa buntala ng buwan.


Pero, hindi nila matukoy nang malinaw kung may tubig sa buwan o wala.


Mas optimistiko sila sa Mars dahil nakumpirma nila na may sumisingaw na mistulang “methane gas” sa atmosphere ng Mars.


◘◘◘


Dahil may oxygen at hydrogen sa atmospera ng Mars, malinaw na puwedeng manirahan o gumawa ng capsulized colony ang mga tao.


Ibig sabihin, mistulang gagamba na nakalutang sa atmospera ang mga dambulang container vans na titirhan ng mga sinaunang astronaut!


◘◘◘


Miminahin nila ang oxygen at hydrogen sa kalupaan ng Mars at mula rito—hihigupin paitaas ng mga tubo ang element na magagamit sa pag-aalaga ng halaman at hayop sa loob mismo ng dambuhalang container vans.


Sa ngayon, at least ay may konsepto ang mga scientist.


◘◘◘


Kasabay nito ang super-yaman na si Elon Musk ay aktuwal nang nag-a-assemble ng mga spacecraft na maghahatid ng tao mula sa earth patungo sa Mars.


Nag-a-assemble siya ng libu-libong spaceships upang magbiyahe ang tao mula sa earth patungo sa Mars—nang tatlong beses sa isang araw.


Magsasakay ang bawat spaceships ng 1,000 pasahero!


◘◘◘


Ang unang grupo ng mga tao na bibiyahe patungong Mars gamit ang pribadong spaceships ay posibleng maganap bandang taong 2030 hanggang 2050.


Ibig sabihin, masasaksihan ito ng ating henerasyon!


◘◘◘


Sa pagkawala ng pandemic, ang bagong normal ay magbubunsod ng super-bilis na pag-unlad dahil sa sobrang kasabikan na magnegosyo.


Ang mayayaman ay lalo pang yumaman at magtutuwang-tuwang sila upang tustusan ang biyahe ng tao tungo sa ibang planeta!


◘◘◘


Matapos ang pandemic, magpo-produce na ang mga eksperto ng kotseng lumilipad na puwedeng mag-landing nang “vertical” na parang helicopter.


Ang mga bahay at opisina ay babantayan na ng mga robot na nagsasalita at nagtatrabaho!


◘◘◘


Sakaling magkaroon ng ulit ng pandemic, hindi na tao ang lalabas ng bahay, bagkus ay ang kani-kanyang robot ng bawat pamilya.


Ang mga tao ay magtatrabaho na lang nang “work from home”.


Hindi na rin sila mamalengke at pupunta sa mall—dahil ide-deliver na lang ang mga produkto at ang mga pelikula—at mapapanood na sa kani-kanilang silid at kani-kanilang selpon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page