Tatakbo na sa pagka-pangulo si Yorme Isko?
- BULGAR
- May 26, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | May 26, 2021
Nag-aalburoto ang Taal Volcano.
Magpapatiuna ulit siya sa COVID!
◘◘◘
DESIDIDO na raw si Mayor Isko sa pagkandidato sa 2022 bilang pangulo.
Huh, weh, ‘di nga?
◘◘◘
PIPILI na raw ang oposisyon ng unity candidate ngayong Hunyo 12.
Talaga?
◘◘◘
MAY kani-kanyang rover ang US at China na lumilibot sa Mars.
Huwag sana silang magsabong sa ibang buntala!
◘◘◘
PATULOY ang illegal gambling sa Kyusi at iba pang lugar.
Lagot sila kay Heneral Gilor!
◘◘◘
ILILIBRE raw ang WiFi sa mga eskuwelahan.
Bakit hindi pa isabay ang libreng pizzapie at apple pie?
◘◘◘
PINAG-AARALAN kung pahihintulutan ang pagtuturok ng magkaibang brand ng COVID vaccine sa isang tao.
Isang mula US at isa naman mula China.
Hindi kaya mag-away ‘yan sa loob ng katawan?
◘◘◘
MAY tsismis na nakaka-puti raw ng skin ang Pfizer kaya’t dinudumog.
‘Yung bakuna naman daw ng Johnson & Johnson ay magmumukhang “baby” ang kutis ng magpapaturok!
◘◘◘
AYAW ng marami ng Sinovac at Sinopharm ng China dahil baka raw sila mag-ala-beho.
Maglaway nang maglaway!
◘◘◘
IBINAWAL na ng party-party sa mga barangay.
Kailan kaya ipagbabawal ang “TikTok”?
◘◘◘
BUMABABA na nang todo ang bilang ng nakaka-COVID at namamatay sanhi ng nito.
Malulugi ang mga private hospital kapag nangyari ‘yan.
Hindi sila basta-basta papayag!
◘◘◘
MARAMI ang nagrereklamo sa resulta ng positive test sa COVID.
May namamatay daw sa sakit ng puso, pero inire-report na COVID positive.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit mali ang datos na inilalabas araw-araw.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PATULOY na dumarami ang nagsasaradong negosyo.
Patuloy din ang pagsibak sa ilang empleado.
Akala ko ba ay rerekober na?





Comments