Tatabla na ba sa 2-2 ang Hotshots vs. TNT?
ni Gerard Arce - @Sports | October 27, 2021

Hindi kailanman magiging palusot o mga dahilan ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang sangkaterbang injuries na kinakaharap sa unang dalawang talo kundi nakatutok sila sa naitatak na mahigpit na depensa kontra sa 2-1 leader ng best-of-seven finalists na TNT Tropang Giga sa Game 4 ngayon sa 2021 Honda Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
“Once and for all we don’t want to have excuses here, we don’t want to say that we loss because of injuries, No! We don’t want that. Sabi ko nga sa mga players, win or loss we will not say that we’re injured or wounded because that’s an excuse,” pahayag ni Magnolia head coach Chito Victolero, na kakaharapin ng mga bataan niya ang TNT ng 6 p.m. matapos ang 106-98 panalo noong Game 3.
“We’ll play through pain and we know na may nararamdaman si Ian (Sangalang), Paul (Lee), Mark (Barroca), Rome (Dela Rosa) and even Calvin (Abueva) also. Lahat naman ngayon on this situation or both teams sa finals merong ganyan eh.
Kailangan lang namin ng mental toughness. We want to finish the series, and we don’t want any excuses that we’re wounded,” dagdag ng 2018 Commissioner’s Cup titlist at one-time coach of the year awardee, na malaki rin ang nakuhang tulong mula kay Jio Jalalon na naging starter sa game 3 at nag-ambag ng 11 pts.
Dama rin ng TNT ang mga injuries na tinutukoy ni Victolero, kung saan hindi siguradong makaklaro si forward Troy Rosario dahil sa dislocated finger at spinal shock, habang nananatiling may back spasm si Kelly Williams.
Samantala, napagdesisyunan ng PBA technical committee na alisin na si referee Kenny Hallig sa officiating simula Game 4 kasunod ng maling tawag kay Brian Heruela na nagdulot ng 3 free throws kay Lee mula sa 3 pt line. Nangako si PBA deputy commissioner Eric Castro na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari.





Comments