top of page
Pokwang.jpg

Target sumikat internationally… VICE, TODO-BILIB NA ISUSUOT NG KARDASHIANS ANG BAGO NIYANG NEGOSYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2021
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 7, 2021





Pasok sa top-trending sa Twitter ang awrahan ni Vice Ganda ng kanyang pink gown at earrings during the grand finals ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime last Saturday.


Humabol ang 'Vice Pretty in Pink' at 'Vice Earrings' sa '#TNT4Ang Huling Tapatan' na nag-number one top trending sa Twitter hindi lang sa 'Pinas kundi worldwide pa!

Bukod kay Vice, nag-top trending din ang isa pang host ng It's Showtime na si Karylle, ang tatlong grand finalists na nagtapatan sa huling round at ang bagong grand champion na si JM Yosures na nag-number one top-trending sa Twitter after ma-announce ang name niya bilang winner sa Tawag ng Tanghalan.


Nagbunga ang pag-e-effort ni Vice sa pagsusuot niya ng kanyang pink gown na may katerno pang pink boots na halos umabot na sa balakang niya, hah?


Kabogera naman talaga ang pink gown ni Vice. But a day before ng TNT grand finals, nag-tweet pa siya na sisimplehan lang daw niya ang susuoting gown.


"All set for tomorrow’s Tawag ng Tanghalan Grand Finals. Sisimplehan ko lang kasi pandemic, eh," tweet ni Vice last Thursday.


Na-insecure naman si Vice sa suot niyang mahabang earrings kumpara sa suot na mas malaking hikaw ng isa sa tatlong finalists sa last round ng TNT na si Rachelle Laylo.


Naghahanap daw si Vice ng super-laking hikaw para isuot sa grand finals pero wala siyang makita. Uso raw kasi ngayon sa mga international female celebs ang pagsusuot ng malalaking hikaw.


At dahil ayaw namang pahuli ni Vice pagdating sa fashion, gusto rin niyang mangabog ang kanyang hikaw bukod sa kanyang pink gown.


Living to her dream siguro si Vice sa plano niyang pasukin ang international scene thru his global fashion label. Kaya nagpasampol na si Vice ng itatayo niyang negosyo with his pink gown sa TNT grand finals ng It's Showtime.


Nu'ng naisip daw 'yun ni Vice, kinabukasan ay nakipag-meeting agad siya sa binuo niyang team na makakatulong niya sa plano niyang pang-international fashion label.


“Since online na naman ang labanan, equal footing for everyone online. Parang kaya ko namang lumaban sa online world, kasi ang laki naman ng following ko. Parang kaya ko ‘yun,” pahayag ni Vice sa ABS-CBN reporter na si Miguel Dumawal.


Simula raw nang maisip niya 'yun, lagi na niyang kine-claim na magiging successful ito.


“Kine-claim ko lagi, sisikat itong brand na ‘to internationally! Isusuot ‘to ng mga Kardashians! Kine-claim ko nang kine-claim," sabi pa ni Vice.


Siguro naman, knows n'yo na kung sino ang "Kardashians" na tinutukoy ni Vice? Sila ang magkakapatid na sina Kim Kardashian-West, Khloie Kardashian, Kourtney Kardashian, Kylie and Kendall Jenner.


“It’s not bad to still have very big dreams, amazing dreams at this very moment, kahit ano’ng edad mo pa,” Vice Ganda said.


Kahit daw 44 na siya ngayon, hindi pa rin siya nauubusan ng malaki at eksaheradang mga pangarap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page