top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Tapusin muna raw ang eleksiyon… ARA MINA, AYAW PANG MAGPABUNTIS

  • BULGAR
  • Mar 1, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 1, 2022



Natapat sa araw ng eleksiyon ang kaarawan ni Ara Mina which is May 9, kaya ang hiling niya sa mga residente ng San Pedro, Laguna, iregalo na raw sana sa kanya ang boto para sa kanyang mister na si Dave Almarinez na tumatakbong congressman sa nasabing distrito.


Nag-invite ang mag-asawang Dave at Ara ng selected members of the movie press kahapon para saksihan ang launching ng free WiFi project ng pulitiko sa mga public place ng San Pedro, Laguna.


Nakakatuwa si Ara na talagang makikita mong todo ang suporta sa kandidatura ng mister at talagang she finds time para sumama sa kampanya nito.


“March 25 pa talaga ang kick-off ng local campaign, pero meron na tayong mga pa-meeting, mga ganyan, and eto nga, ini-launch natin ang Wifi Zone ni Dave Almarinez,” sey ni Ara.


Mag-iisang taon nang kasal sina Ara at Dave sa June kaya naman naitanong namin sa kanya kung kelan ba nila planong magka-baby.


“Eh, madali na ‘yun. Kasi, mahirap din namang mangampanya na lobo ang tiyan,” she said.


Pero after elections daw, talagang kakaririn na nila ang pagkakaroon ng baby.


Paano 'pag nanalo si Dave, makakapag-focus pa ba sila sa paggawa ng baby?


“Siyempre, aantayin natin hanggang sa maupo siya. May transition. So, du’n, gawa muna tayo,” natatawa niyang sabi.


Kahit busy si Ara sa FPJ’s Ang Probinsyano ay nagagawan pa rin niya ng paraang makasama kay Dave sa pag-iikot. Tulad ngayon, katatapos lang nila ng locked-in taping at balik ulit sila sa March 11.


Natanong nga namin si Dave kung hindi ba niya aawatin sa pag-aartista si Ara sakaling manalo siya at aniya ay hindi niya ito gagawin.


“Actually, kahit election period na ngayon, sinusuportahan ko siya and kapag nagkaroon din naman siya ng pagkakataon, she supports me and I would like to give her that passion niya. Kasi ayoko namang maging balakid ako sa mahal ko. I don’t want that,” ani Dave.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page