Tapos na ang giyera… BARON AT MISIS, LOVING-LOVING NA ULI
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 15, 2022

“Happy birthday, Baby! Oh, blow the candle. To many more years to come, I love you, Sweetheart,” ang bati ng aktor na si Baron Geisler sa asawang si Jamie Marie Evangelista-Geisler na nagdiwang ng kanyang kaarawan.
Sinagot naman ito ni Jamie ng, “Thank you, Babe.”
Base sa post ng aktor sa kanyang Instagram account nu'ng isang gabi ay nag-dinner silang mag-asawa kasama ang ilang kaibigan at isang orange cake ang hinipan ni Jamie.
So, obviously, super okay na sila ng asawa tulad din ng nasambit niya noon sa mediacon noong Mayo 26 pagkatapos ng screening ng pelikulang Pusoy na palabas pa rin sa Vivamax.
Kamakailan ay nagdiwang din ng 40th birthday niya si Baron at binati siya ng asawa.
“Happy Birthday, Daddy B! In life’s sunshine or rain, just ride the waves and keep swimming. I know you are trying your very best.
“Better days are coming, just trust God’s plan. We love you but for now we will enjoy the beach for you!” say ng wifey ng aktor.
Sa tatlong taong kasal nina Baron at Jamie ay nagkaroon sila ng anak na si Talitha Cumi na 3 yrs. old na rin.
Sa unang pagkakataon ay nagsama sa isang project ang parehong Urian at FAMAS Best Actor awardees na sina Elijah Canlas at Aga Muhlach. 'Yan ay sa Suntok sa Buwan movie series na mapapanood na sa TV5 simula sa Hulyo 18, Lunes, sa ganap na 7:15 PM.
Kaya sa ginanap na virtual mediacon ng Suntok sa Buwan ay natanong si Elijah kung ano ang naging takbo ng pagsasama nila ni Aga sa shoot.
“Siyempre, nu’ng nalaman kong makakasama ko ikaw, Kuya Aga, sobra ‘yung pressure sa akin at challenge. Siyempre, I want to deliver pero when I met Kuya Aga, the humbled guy, most grounded dude, sobra!
“So much fun to do scenes na rin, really excited working with him and Direk Gio just let us do whatever we want, hahaha!” masayang paglalarawan ng batang aktor.
Nakatikim din ng papuri ang bagong direktor na si Gio Lomuntad mula sa dalawang aktor.
Kaya natanong si Direk Gio kung paano niya nailabas ang magandang samahan ng buong cast ng Suntok sa Buwan lalo na kina Aga at Elijah.
“I think, ‘yung paglalabas ng chemistry nila was not really told by my directions. Kasi silang dalawa, kahit pagtabihin mo lang sila sa isang upuan, lumalabas talaga ‘yung chemistry nila kahit hindi na nila kailangang magsalita,” tipid na kuwento ni Direk Gio.
At nagbigay siya ng eksena na nag-uusap sina Aga at Elijah ng tungkol sa buhay at hinayaan lang daw ng direktor at isang take lang lahat and it turned out na ang ganda ng pagkakakuha.
“Hindi namin kailangang ulitin kasi lumabas ‘yung chemistry nilang dalawa kahit magtinginan lang. I guess very little lang talaga ‘yung ginawa ko,” saad ng direktor.
Retiradong boksingero si Aga sa kuwento at anak niya si Elijah na gustong ituloy ang propesyon ng ama kaya pinasok nito ang pagboboksing at maraming struggles ang dinaanan nilang mag-ama.
Maganda ang kuwento ng Suntok sa Buwan movie series na ipinrodyus ng Project 8 nina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone for TV5 at Cignal Entertainment. Kasama rin sa cast sina Albie Casiño, Paulo Angeles, at Maris Racal.





Comments