Tapos na ang career sa 'Pinas… ECHO, TODO-SIKSIK NG SARILI SA HOLLYWOOD
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 12, 2022

May posted photo si Jericho Rosales kung saan naka-nail polish siya na ang kumuha ng larawan ay ang misis niyang si Kim Jomes.
Ang caption ng photo ay: "LA project."
Kaya ang tanong ng netizen, "Wow, ano kaya 'yung project?"
Tanong naman ng isa, "Where is his career now?"
May sumagot, "Behind the cameras na 'ata siya."
Bagama't halatang medyo nagkaedad na rin si Echo, marami pa rin talaga ang nahuhumaling sa kaguwapuhan ng aktor.
"Pinoy na Pinoy, guwapo at Best Actor."
"Pogi kahit half his face is covered."
Reaksiyon naman ng isang netizen sa pag-i-stay ng actor sa Tate, "Bakit isinisiksik niya ang sarili niya ru'n, eh, sikat naman siya rito sa 'Pinas? He can work here. Stay!"
"Na-achieve na niya ang gusto niyang ma-achieve sa PH career niya, hayaan mo siya."





Comments