Tapatan sa pagka-VP… KC, PAREHONG SUPORTADO SINA KIKO AT TITO
ni Nitz Miralles - @Bida | March 2, 2022

Nasa IG Story ni KC Concepcion ang ilang clips sa guesting ni Sen. Kiko Pangilinan sa CNN Vice Presidential Debate. Kasama rin sa post ni KC ang one-word caption niya o kaya’y emoji ng nakataas ang kamay at sa taas ng video, nakasulat ang salitang “family.”
Timing ang pagpo-post ni KC ng clips ng guesting ni Sen. Kiko dahil nasabihan siyang hindi tumutulong sa kampanya ng stepdad at paano nga naman siya makakatulong kung nasa Amerika siya?
Pero, pauwi na ng bansa si KC, makakahabol pa siya sa kampanya.
Isinama rin ni KC sa IG Story post niya ang clip ni Senate President Tito Sotto sa CNN Vice Presidential Debate pa rin. Family din kasi si Tito Sen na second father na ng mom niyang si Sharon Cuneta.





Comments