top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tapatan ng mga noontime shows… EAT BULAGA, PALABAN VS. LOL AT IT'S SHOWTIME

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 12, 2022




Magiging matindi ang labanan ng mga noontime shows ngayong magsasanib-puwersa na ang Lunch Out Loud (LOL) at It's Showtime.


Pero kahit na ano pa ang pagbabagong magaganap, matatag na ang viewership ng longest-running noontime show na Eat… Bulaga!.


Hindi basta bibitaw ang mga viewers ng EB! kahit tambakan pa ng maraming sikat na artista ang makakatapat nilang programa.


Pero, iba ang hatak ni Toni Gonzaga. Tiyak na aabangan ang noontime show na siya ang host at mapapanood sa Villar Network.


Balitang sila ni Willie Revillame ang magkakasamang mag-host ng noontime show.


Well, at least, may choice ang mga viewers kung ano'ng noontime show ang kanilang panonoorin araw-araw. Pabonggahan na lang sa papremyo ang labanan.


Let's see kung matitinag nila ang Eat… Bulaga! na mahigit tatlong dekada nang namamayagpag sa ere.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page