top of page

Tapatan ang serye, pero… PIOLO AT BEA, MAGKA-FACETIME BAGO MATULOG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2024
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | August 23, 2024


Showbiz News
Photo: Piolo Pascual & Bea Alonzo / IG

Hindi uso kina Piolo Pascual at Bea Alonzo ang network war at ang ratings, kahit pa magkatapat ang airing ng series nila. 


Si Bea, isa sa mga bida ng Widows’ War (WW) ng GMA-7, at si Piolo ay isa sa mga bida ng Pamilya Sagrado (PS)


Basta sila ay magkaibigan at hindi masisira ‘yun kahit nag-aaway ang Kapamilya at Kapuso fans.


Sa isang Instagram (IG) Stories post ni Piolo, makikita ang photo ni Bea na ka-Facetime yata ng aktor habang patulog na sila. Nakasulat sa caption ang, “Talking about ratings? Not!!! Misshoo so much @beaalonzo.”


Sina Piolo at Bea ay matagal nang magkaibigan at kasama sila sa grupo ng Kapamilya stars na very close kina Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto. Kahit lumipat na si Bea sa GMA Network, hindi nasira ang friendship nila nina Piolo, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz. Nagkikita-kita sila sa mga special occasions at nakakasama pa nila minsan sina Kathryn Bernardo at Heart Evangelista.


Tama naman ang mga fans, parehong maganda ang dalawang series at kani-kanya na lang ng pili ang viewers kung alin sa WW at PS ang kanilang panonoorin. 


Ang ending nga ng post ni Piolo, ang series nila ni Bea ang pinag-usapan at nagkaroon pa ng konting pagtatalo kung alin sa dalawang series ang mas maganda.


Anyway, may nagtanong tuloy kung hindi ba puwedeng magsama sa isang project sina Bea at Piolo? Dahil nagko-collab na ang ABS-CBN at GMA-7, ang request ng mga fans ay sana sa susunod na collab project nila, sina Bea at Piolo ang pagsamahin. 


Yes, may next project pa sa GMA-7 si Bea Alonzo after WW at magre-renew siya ng kontrata sa GMA Network. As for Piolo Pascual, forever na siyang Kapamilya.



Ikaw, Herbert? BALIKANG RUFFA AT YILMAZ, FANS APRUB


Showniz Photo
Photo: Ruffa Gutierrez & Yilmasbektas / IG

From Toronto, Canada, dumiretso sa Los Angeles, California si Ruffa Gutierrez at nakakatuwa ang mga fans at followers nito sa Instagram (IG). Mula nang mag-comment ang ex nitong si Yilmaz Bektas sa isa sa mga posts ni Ruffa, lagi na nilang tsine-check ang bawat post nito.


Gusto uling kiligin ng mga fans gaya ng naramdaman nilang kilig nang mag-comment si Yilmaz ng “You look good” sa post ni Ruffa noong nasa Toronto siya. 

Sinagot nito ang comment ni Yilmaz ng, “You like it when I look like an Eskimo!” at dito na kinilig ang mga netizens.


Nakakaloka lang dahil nagkaroon ng pagtatalo ang mga netizens dahil lang sa may nag-open na baka magkabalikan pa sina Ruffa at Yilmaz, may nakiusap pa nga na maging sila uli. Marami ang tumutol at baka raw saktan at masaktan lang uli si Ruffa, ito ay kahit hindi naman nila kaibigan at relative si Ruffa, pero ayaw nilang magkabalikan pa sila ni Yilmaz.


Ipinaalala rin ng fan ni Ruffa na may Herbert Bautista na ito at may wife na rin yata si Yilmaz Bektas. 


Hayaan na lang daw na may kani-kanyang buhay ang mag-ex kahit sabihin pang magiging masaya ang mga anak nilang sina Lorin at Venice kapag naging sila uli. Hindi raw papayag si Herbert.



Ang post ni Cindy Miranda habang nasa studio siya ng Wil To Win (WTW), “Back to where I started.”


Isa kasi si Cindy sa mga co-hosts ni Willie Revillame sa nasabing show ng TV5 at naikuwento rin nito sa mediacon ng 40 na si Willie ang naka-discover sa kanya. 


Ang sabi ni Cindy, nasa restaurant siya kasama ang kanyang ex, nakita siya ni Willie at tinanong kung gusto niyang maging host ng kanyang show, na obviously, tinanggap ni Cindy. Hindi lang malinaw ang kuwento ni Cindy kung saang channel noon ang show ni Willie nang maging co-host siya.


Nawala siya sa show, pero ngayon, balik na siya at isa na rin daw siya sa mga sumisigaw sa show na kailangan para siya ay marinig. Si Cindy din ang nagpatunay na hindi matsutsugi ang show ni Willie dahil walang sinasabi sa kanila si Willie. 


Saka, nag-e-enjoy siyang maging host uli. Bukod sa pag-arte, ang pagiging host ang gusto niyang trabaho.


Pahayag niya, “Hindi ko pinangarap maging beauty queen, hindi ko rin pinangarap maging sexy star at hindi ako comfortable magpa-sexy. Pero, wala akong regrets na gumawa ako ng movies sa Vivamax dahil ‘yun ang naging way para matupad ang dream kong maging dramatic actress. Sa mga projects na ibinibigay ng Viva Films sa ‘kin, different genre, nahahasa ako. Gaya dito sa 40 na isang magandang project, good story, good co-star (Kiko Estrada), and good director (Dado Lumibao).”


Hindi rin naman iniwan ni Cindy Miranda ang magpa-sexy at katunayan, may four love scenes sila ni Kiko Estrada sa 40 at may eksenang nasa beach sila at naka-two-piece swimsuit siya. Makikita pa rin ng kanyang mga fans ang kanyang kaseksihan sa nasabing romance drama movie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page