top of page

Taon ng Kabayo 2026: Malawakang balasa sa gabinete, maraming masisipa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | January 13, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nagugulo naman ngayon ang Iran.

Kailan ba tumahimik du’n?

 

-----$$$--

SASAKUPIN din daw ng US ang Greenland, Cuba, Mexico at Colombia.

Kokontrolin din nila ang Canada.

Pero, walang giyera?

 

-----$$$--

HINDI kaya pinagpapartehan na ng US at China ang buong daigdig nang lihim?

Meaning, hindi malayong mabentot ang Taiwan at Pilipinas.

Kwidaw!

 

-----$$$--

ISANG colonel ng AFP ang nagdeklara ng pagtiwalag sa “chain of command”—hindi na niya kinikilala  ang “commander-in-chief”.

Teka, alam kaya ‘yan ng kanyang “komander” na si misis?

 

-----$$$--

MAHALAGANG may “go-signal” si komander na misis, kasi mawawalan ng biyaya sa retiro, pension at iba pang benepisyo  ang naturang colonel.

Puwede rin siyang ma-court-martial at makalaboso.

Kaaawa-awa ang kanyang benepisyaryo na si misis at ang kanyang anak.

 

-----$$$---

NAUNA dito, pumalag din si ex-Gov. Chavit laban kay PBBM.

Pero, walang pumapansin kay Gov. Chavit maliban sa naturang “colonel”.

 

-----$$$--

HINDI makontak si Sen. Bato dela Rosa.

Hindi kaya sa Iran siya nagtatago?

Ilang araw na kasing  walang “signal” ang buong Iran.

 

-----$$$--

BINOMBA ng AFP ang kampo ng CPP-NPA sa Mindoro.

Huh? Akala natin ay wala na ang mga ‘yan?


-----$$$--

PAREHONG sasampahan ng impeachment complaint sina PBBM at VP Sara.

Kapag sabay na natanggal ang No.1 at No.2—siyempre, ang uupo sa Malacañang ay ang No.3 na si Senate President Tito Sen.

Mabubuhay bigla ang isyu kay Pepsi Paloma!


-----$$$--

Taon ng Kabayo ngayong 2026.

May ulat na magkakaroon ng malawakang balasa sa gabinete.

Marami ang “masisipa” ng Kabayo!





Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page