top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taob sina James, Daniel at Alden… VHONG, PINAKAMARAMING FOLLOWERS SA IG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 15, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 15, 2022



Nanguna ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa listahan ng mga Pinoy actors na may pinakamaraming followers sa Instagram with 7.2 million. Sumunod sa kanya ang ex-partner, on-and-off screen, ni Nadine Lustre na si James Reid na may 7.1 million followers naman.


May 999K ang difference ni Vhong kay James, ganern! Siyempre, ‘di makapaniwala ang mga fans ni James at ang JaDine fans niyan, ha?


Eh, baka mas mag-react pa d’yan ang mga fans nina Daniel Padilla at Alden Richards na nasa pangatlo at pang-apat na posisyon lang.


Ang leading man ng bagong Darna na si Jane de Leon na si Joshua Garcia ang pumangatlo kina Vhong at James na may 5 million IG followers, habang si Daniel ay may 4.9M at si Alden ay may 4M.


In fairness kay Vhong, tinalbugan niya ang new generation ng mga nagguguwapuhang heartthrobs sa showbiz. At lahat sila, mga single pa, unlike Vhong na bukod sa dalawang beses nang nagkaroon ng partner in life, may anak pa.


Iba talaga ang karisma ng mga komedyante kesa sa heartthrob, huh?


Anyway, kung si Vhong ang top Pinoy male celebrity na may pinakamaraming IG followers, ang kasamang host niya sa It’s Showtime na si Anne Curtis naman ang may hawak ng titulo na ‘yan sa hanay ng mga female celebs. Nasa 18.2 M ang IG followers ni Anne.


May netizens naman ang nagtataka kung bakit hindi kasama sa listahan ng may pinakamaraming IG followers ang It’s Showtime host din na si Vice Ganda.


“Vice Ganda ang pinakamadami, lalaki po si Vice, hindi po babae,” comment ng netizen.


Si Vice ay may 10.3 million IG followers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page