top of page

Taob si PBBM… DIWATA, MAGBEBENTA NA RIN NG MURANG BIGAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 2, 2024



Showbiz Photo
File photo: Diwata

Marami ang nagtatanong kung kailan kaya itatampok ang buhay ng Pares Overload Queen na si Diwata sa programang Magpakailanman


Makulay ang buhay ni Diwata na ngayon ay dinudumog at dinarayo ang negosyong paresan. 


Paborito rin siya ng mga vloggers para sa kanilang content. Pati ang ilang foreigners ay curious din malaman kung bakit sikat na sikat si Diwata at maging sa premiere night ng mga pelikula ay naiimbita rin si Diwata at mistulang celebrity na pinagkakaguluhan ng mga tao. 


Crowd drawer siya kahit saan pumunta at ngayon, bukod sa paresan ay magnenegosyo na rin ng bigas si Diwata.


Isang negosyanteng rice dealer ang magbabagsak ng saku-sakong bigas kay Diwata at ibebenta niya ito nang mas mura kesa sa palengke. 


Alam ni Diwata na maraming pamilya ang hindi makabili ng bigas dahil sa sobrang mahal per kilo, kaya sa June 6 ay magsisimula siyang magbenta ng murang bigas sa kangang puwesto. 


Tiyak na dudumugin ito at dapat ay may limit din ng 2 to 3 kilos lang bawat bibili para marami ang makinabang.


At least si Diwata, makakapagbenta ng murang bigas. Taob pa niya ang pramis ni PBBM, ha?

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page