Taob ang P8 M kuwintas ni Heart… P37.8 M, SUOT NA NECKLACE NI GLAIZA SA GMA GALA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 28, 2023

Aliw na aliw kami kay Anne Curtis dahil hindi ito napikon nang kantiyawan ni Vice Ganda at ng iba pang hosts ng It’s Showtime na nagmistula siyang lumpia sa suot niya sa ginanap na GMA Gala 2023.
Tumawa lang si Anne at sinabing at least, lumpiang sariwa ang hitsura niya. At napansin naman ng lahat ang kanyang Audrey Hepburn hairstyle. Ang mahalaga ay nag-enjoy siya sa pagrampa niya sa naturang event.
Marami naman ang naghahanap kay Carla Abellana na parang “missing in action” at hindi man lang nahagip ng kamera. Kaya ang tanong, dumalo ba si Carla sa GMA Gala?
Si Beauty Gonzalez naman ay naging kontrobersiyal dahil sa suot niyang antigong alahas na ayon sa isang antique art curator ay ginagamit at ipinababaon sa isang yumao noong Spanish era.
Ayon nga kay Beauty, 100 years old na ang kanyang isinuot na antique necklace. Marami naman ang hindi makapaniwala na ang suot na necklace ni Glaiza de Castro ay nagkakahalaga ng P37.8 M.
Mas mahal pa ba ito sa suot na Bulgari Serpenti necklace ni Heart Evangelista na ang estimated price ay nasa P8 M?





Comments