top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Taob ang mister na si Manny… JINKEE, 4 ANG BODYGUARDS HABANG NAGDYA-JOGGING

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2024
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 16, 2024




Nakakapanibago ang mukha ng misis ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. ‘Yan ang reaksiyon ng mga netizens sa maraming ganap sa video ni Jinkee na nakakalat sa social media.


Ang layo na raw ng hitsura ng misis ni Manny sa dati nitong hitsura. At ‘di na rin daw mapagkakamalang kambal sila ng sister niyang si Janet Jamora.


"Pa-botox pa more!" ang comment ng ibang netizens. Bukod sa pa-botox, duda ng mga Marites sa socmed na may enhancement din daw na ginawa sa face ni Jinkee. 


Sey ng isang netizen, “Parang magkamukha na sila ni Mommy D.”


Pag-amin naman ng netizen na ito, “Mas maganda ka pa sana, Jinkee, kung ‘di nagparetoke, parang younger version na ni Mommy D.”


Tanong naman ng isang commenter, “Ano'ng nangyari, Ma'am Jinkee?”


Comment din ng isa, “Na-over na sa retoke si Jinkee. Mas maganda ‘yung natural na beauty, mas bagay sa kanya, (tapos) light makeup lang.”


Sabi tuloy ng isa, “Tumanda si Ma’am Jinkee dito, nasobrahan sa pagpapaayos sa mukha. Mas maganda siya noon na walang Vicky Belo.” 


This is maybe the reason kung bakit sa mga sumunod na posts ni Jinkee sa kanyang Facebook page ay wala na siyang bangs.


At sa recent FB post ni Jinkee, mga larawang kuha habang nagdya-jogging sa GenSan (General Santos) ang misis ni Manny ang makikita.


Very noticeable sa posts ang mga nakapalibot na bodyguards kay Jinkee habang nagdya-jogging. Not one, not two, but three or four pa yata ang nakabantay kay Jinkee.


Naku, dapat lang sigurong mabantayan ng maraming bodyguards si Jinkee, 'no! Sa yaman niya, marami talaga ang puwedeng mag-isip na kidnapin siya.


We heard, mas mayaman pa raw ngayon si Jinkee kesa kay Manny Pacquiao. 


Puwede dahil siya ang may hawak ng kaha, at may point ‘yun!

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page