Taob ang misis na si Toni… "I'M THE MOST POWERFUL!" — DIREK PAUL
Updated: Apr 4, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 3, 2023

Usap-usapan pa rin sa 1st Summer MMFF Parade of Stars among press people ang 'man of the hour' ngayong mister ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano.
Bukod pala kasi sa naging pahayag daw nitong "I don’t need the press" sa nakaraang presscon ng Hollywood actress na si Vanessa Hudgens kung saan ipinatigil nga raw nito ang 'naka-schedule' namang one-on-one interview ng mga invited media, eh, may naging dialogue pa raw si Direk Paul na "They're useless" at "I'm the most powerful".
At ito ay lumabas nga rin sa report ng PEP.ph kahapon, na anila, ayon sa kanilang witness, ang naging pahayag pala ni Direk Paul ay "Tell the press to f*** off. They should adjust to me. Because I'm the most powerful!"
Oh, ha?! Mas powerful pa sa kanyang misis na tinawag niyang "Most Powerful Celebrity" na si Toni Gonzaga? Char!
Kung tama ang pagkakaintindi namin sa kuwento ng mga nakasaksi raw sa sinasabing 'pagwawala' ni Direk Paul sa naturang event, ang gusto yatang mangyari nito ay ma-solo interview ni Toni si Vanessa Hudgens para sa YouTube vlog nitong Toni Talks, since si Direk Paul nga naman ang direktor ng documentary film na ginagawa niya tungkol sa buhay ni Vanessa Hudgens.
Eh, kung ganu'n naman pala, bakit nagpatawag pa ng presscon, eh, di sana nga, sinolo na lang ni Toni si Vanessa, devah?
Naku, ha? Mukhang parami nang parami ang dapat i-explain ni Direk Paul, na ang mas mabigat pa nga ay 'yung akusasyon sa kanya ngayong ginagamit ang kanyang power and position para sa kanyang personal interest.
Tsk! Mas matindi ito sa pagpapahid ng icing ng cake sa waiter ni Alex Gonzaga, paaaak!

Ang daming naka-relate sa topic nina Senador Alan at Pia Cayetano with Tito Boy Abunda sa last Sunday's episode ng CIA with BA na umeere tuwing Linggo, 11:30 PM sa GMA-7.
Dalawang problema tungkol sa pagbabayad ng renta ang binigyan nila ng solusyon.
Dumulog ang isang kasera dahil ang mga umuupang kamag-anak niya ay palaging late magbayad at pati kuryente, 'di nababayaran.
Isa pang kaso na niresolba ng mga Cayetano ay tungkol naman sa nangungupahan na
hindi makuha ang kanyang mga gamit mula sa kanyang kasera dahil sa utang nitong umaabot
sa katumbas ng walong buwang upa.
Kaya sabi ni Sen. Alan, “Kapag hindi pala nauna ‘yung galit at saka ‘yung mga salita na mahirap bawiin, one minute, kayang i-solve ang problema."
“What we try to bring [here] is the human dimension. Hindi ‘to nakabayad, hindi natin ito
itinuturing na ‘Ah, masama kang tao, hindi ka nagbayad.’ Eto naman, sumingil, ‘Ah, napakasama mong tao, sinisingil mo ‘yung walang-wala na.’ Iniintindi natin na pare-pareho tayong may mga karapatan, pare-parehong mga sirkumstansiya sa buhay na siguro, nakagipit sa atin.. that’s we’re trying to do,” sabi naman ni Pia.
Sa Linggo ng Pagkabuhay naman next Sunday, muling matutunghayan ang ika-apat na
episode ng CIA with BA kung saan tampok ang mga problema tungkol sa karapatan bilangmagulang.
Ang CIA with BA, na unang ipinalabas noong February 5, ay ang pinakaunang public service
program nina Senador Alan at Senador Pia bilang mga legal adviser sa telebisyon. Matututo ang mga manonood tungkol sa mga batas ng bansa at paano nakakaapekto ang mga ito sa pang-araw-araw nilang buhay.
Ipinagpapatuloy ng magkapatid na senador ang naiwang legacy ng kanilang pumanaw na ama at original na Compañero na si Senador Rene Cayetano, na namuno at nag-co-host ng popular na legal advice program na Compañero y Compañera sa radyo at telebisyon mula 1997 hanggang 2001.





Comments