Tanggapin man sila o hindi ng Simbahan… VICE: WA' AKO PAKI! MAGPAPAKASAL KAMI NI ION!
- BULGAR
- Feb 18, 2022
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 18, 2022

May plano pala sina Vice Ganda at Ion Perez na magpakasal ulit dito sa 'Pinas matapos ang naging kasal nila sa Las Vegas nu'ng Oct. 19, 2021.
Umapir sa It's Showtime last Wednesday ang newlywed. Ayon sa kanila, gusto nilang gawin ang symbolic gathering kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan dito sa 'Pinas, dahil nu'ng ikasal nga naman sila sa Las Vegas ay silang dalawa lang ang nakaalam at wala silang sinumang pinagsabihan.
Kahit nga ang mga co-hosts nila sa It's Showtime ay walang kaalam-alam na may kasalan na palang naganap sa Las Vegas nu'ng mag-concert du'n si Vice last October.
Kaya naman, maging ang mga It's Showtime co-hosts nina Vice at Ion ay naluha sa bagong journey ng newlywed.
Sabi nga ni Vice, “Noong nag-propose siya, hindi namin alam kung paano siya gagawin, kung kailan ba siya, kung matutupad ba siya."
Nu'ng una raw kasi ay hindi naniniwala si Vice sa kasal, pero nabago ito nang dumating si Ion.
“Tutal, mayroon nang taong nag-offer ng sarili niya, ng buhay niya na makasama ako habambuhay, gusto ko na ring maranasan ‘yung kasal. Dati, hindi ako open sa ganu'n," sambit ni Vice.
Pero rito sa 'Pinas, hindi pa legal at kinikilala ang same sex marriage or union. Kaya nga raw nang nasa Las Vegas na sila para sa concert series, naisip ni Vice na gawin na nila roon ang kanilang wedding vows.
Kuwento ni Vice, “Sabi ko sa kanya, ‘Gusto mo, gawin natin dito?’ Sabi niya, ‘Tara.'
“Dinedma ko na ‘yung pangarap ko na bongga ‘yung singsing ko, bongga ‘yung damit ko, wala na akong pakialam. At this point, kahit walang tao, wala na ‘yung mga kaibigan ko. Ang mahalaga na lang, kami. Nandoon siya, nandoon ako. Sabihin na natin ang gusto nating sabihin. It just happened. Ang saya-saya namin, ang ganda ng naranasan namin.”
In fact nga raw, dahil biglaan ang lahat, kahit ang wedding ring nina Vice at Ion ay 5 dollars lang ang halaga.
“Gusto naming gawin sa Pilipinas para kasama kayo… Kung may chance, we would love to do it in the Philippines para sa ikasisiya ng lahat,” sabi pa ni Vice.
Katwiran pa ng TV host, kung hindi man nire-recognize ang same sex marriage rito sa bansa ay wala na silang pakialam.
“Hindi naman tayo magmamahalan dahil sinasabi ng batas. Hindi rin natin gagawin ‘yun dahil gusto nating i-recognize tayo ng batas. Wala na akong pakialam.
“Hindi na rin natin gagawin iyon kung tatanggapin tayo ng Simbahan at tatanggapin tayo ng mga kapareho natin ng relihiyon. Wala na akong pakialam doon, kaming dalawa.
“We will continue celebrating our love for the two of us and for the people who love us.”
Pinasalamatan din ni Vice ang mga nag-congratulate at nagsabi ng best wishes para sa kasal nila ni Ion.





Comments