Tanggap ng padir… 3 ANAK NI SUNSHINE, 'DI APELYIDO NI CESAR ANG GAMIT
ni Nitz Miralles - @Bida | September 25, 2022

Muling nagkita sina Sunshine Cruz at Cesar Montano and this time, sa 21st birthday ng anak nilang si Angelina Cruz.
Sa nakita naming photos, kasama pa nina Sunshine at mga anak ang partner ngayon ni Cesar na si Kat Angeles at ang tatlong anak ng dalawa na sina Sam, Liam at Kristen.
Ang caption nga ni Sunshine sa kanyang post, “So happy to meet these cuties” at ang comment ni Teresa Loyzaga, “The heart of a mother.”
Positive rin ang mga comments ng mga netizens gaya ng sila ang pamilya na dapat tularan, nagkakasundo para sa ikatatahimik ng bawat isa. May nag-comment pa na puwedeng magkapatid si Sunshine at ang current partner ni Cesar dahil magkamukha sila at pareho pang sexy.
Napansin pala namin na “Cruz” at hindi ang apelyido ni Cesar ang gamit ng mga anak ng dating mag-asawa. Mabuti at hindi ito isyu kay Cesar dahil kay Dennis Padilla, isyu na Barretto at hindi Baldivia na apelyido niya ang dala ng mga anak nila ni Marjorie Barretto.
Sabagay, baka nagpaalam ang mga anak ni Cesar na Cruz ang dadalhin nila.
Sa kaso ni Dennis, hindi yata nagpaalam ang kanyang mga anak na hindi dadalhin ang kanyang apelyido dahil sabi nito, hindi man lang nag-sorry ang tatlong anak sa ginawang pagpapalit ng apelyido.





Comments