Tanggap ng madir, proud na proud pa… KLEA, UMAMING SIYA ANG NAG-FIRST MOVE SA DYOWANG KAPWA BABAE
ni Nitz Miralles @Bida | March 22, 2023

May rainbow-stripped Pride flag ang post ng mom ni Klea Pineda na si Charito Pineda in greeting her daughter sa birthday nito last March 19. Kasama ni Charito si Klea at kiniss nito ang anak sa photo.
“Happy birthday my first born, always proud of you. We love you so much! Sana napasaya ka namin sa araw mo!” at may kasunod na emoji ng rainbow-stripped Pride flag.
Mababasa rin ang sagot ni Klea na “Love you, Mommy!!!”
Ang dating ng pagpo-post ng mom ni Klea ng rainbow-stripped Pride flag ay tanggap niya at suportado ang pagka-come out ng anak, pati ang relasyon nito sa girlfriend na si Katrice Kierulf.
Kasama nga ni Klea at ng kanyang pamilya sa pa-birthday sa kanya sa yate si Katrice.
Sa interview kay Klea sa Updated With Nelson Canlas, naikuwento niya na nakilala niya si Katrice sa TikTok.
“Nakita ko lang siya sa TikTok and hindi ko ine-expect na meron kaming common friend. And then, kinulit ko na ‘tong si common friend namin. Ako naman ang magpi-first move. And then wala naman akong idea na kung she’s into girls ba or wala akong kaide-idea. I’m just shooting my show kumbaga.”
Ayon kay Klea, nag-hit kaagad sila ni Katrice nang magkita na.
“I don’t know if sobrang cheesy niya na ‘yung feeling, sobrang magical na feeling talaga kasi nag-click kami kaagad.”
Dagdag pa ni Klea, “Sobrang effortless ‘yung conversation namin and hindi ko iniisip, hindi ako nagpa-panic sa isip ko kung ano ‘yung next question na itatanong ko.”
Nabanggit din ni Klea na sobrang happy siya sa relasyon nila ni Katrice and vice-versa.
Sa kanyang birthday message kay Klea, nabanggit ni Katrice na “I’m so proud to call you my girlfriend.”





Comments