top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tanggap na wala na sa buhay niya… SUNSHINE, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NI MACKY

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | October 10, 2022



“Some people are only meant to stay in your heart, not in your life.”


Ito ang art card na ipinost ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram account kahapon (Linggo) nang hapon.


Ang caption niya ay: “People come and go. It may be hard to understand why things happen unexpectedly. For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness, but in life, there are some things we cannot control. What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on.

“A blessed Sunday to all. (praying hands emoji).”


Lumalabas na ito na ang official statement ng aktres sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si San Juan City Councilor Macky Mathay.


Maraming nagtatanong kay Sunshine kung ano ang nangyari pero nananatiling tikom ang bibig nito at hindi na rin niya pina-follow sa IG si Macky samantalang ang huli ay nananatiling naka-follow pa sa kanya at larawan pa rin nila ng aktres ang kanyang profile picture.


Wala ring naririnig kay Konsehal Macky sa isyung hiwalayan nila ni Sunshine pero dahil larawan pa rin nilang dalawa ang kanyang profile picture ay baka naman inaayos niya ang isyu nilang dalawa?


Samantala, may post si Sunshine nitong nakaraang araw na, “Ano ang tawag sa lalaking “Marites”? Mas updated pa sila sa mga Marites.”


Sino kaya ang pinatatamaan ng aktres?



Kahit artista na…

MADAM INUTZ, NEVER IIWAN ANG LIVE SELLING



Inamin ni Madam Inutz na dahil sa busy schedule ni Pia Wurtzbach kaya hindi pa natutuloy ang pagbabalik ng sitcom na Papa P kasama siyempre si Piolo Pascual.

Natanong kasi ang PBB Kumunity Season 10 alumna kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa showbiz at nabanggit niya si Piolo bilang nakasama na nga niya ito sa Papa P.



“Kasi po, masyadong busy ang schedule ni Ate Pia, so, na-reschedule po ulit ‘yung series namin, may Season 2 naman po ito,” saad ni Madam Inutz.


Ayon sa nakasabay naming taga-media ay nasambit niyang bitin ang pagtatapos ng Papa P sitcom.


“Ang ABS-CBN po kasi ay nakadepende rin sa availability ng mga artists. Si Ate Pia po kasi, medyo busy po, tapos si Papa P din, may ibang project din po ‘yun kaya na-adjust din,” paliwanag ni Madam Inutz.


Nakatsikahan namin si Madam Inutz kasama ang kanyang boyfriend na si TanTan sa soft opening ng Furniture Deals Sta. Maria, Bulacan kung saan isa ang online seller sa mga guests ng may-ari na si AL Navarro.


Isa rin sa mga gustong negosyo ni Madam Inutz ay katulad nitong Furniture Deals lalo’t mabenta ito para sa masa.


“Kasi maganda rin ‘yung may puwesto ka, tapos singit ko ang live selling, jiba?” sambit ng komedyana.


Dapat siguro, kausapin niya ang may-ari ng Furniture Deals na si AL Navarro kung paano siya magkaka-franchise nito dahil open naman yata sila for franchising.


Samantala, inamin ni Madam Inutz na hindi pa rin niya binibitiwan ang live selling kahit na may mga shows na siya dahil regular ang kita niya rito.


“Kasi kahit paano ay nakakakuha pa rin ako ng panggastos o pangtustos kaya never ko talagang ititigil ‘yun. Kumbaga, mawala man ako sa industry (showbiz), ang pagla-live selling ko, nandiyan pa rin, more on business po ako talaga,” paliwanag nito.


Dagdag pa niya, “Mas nagpo-focus po ako sa negosyo, pero kung may offers (showbiz) o kumukuha sa akin, oportunidad, grab lang nang grab hangga’t nandidiyan ang blessings.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page