Tanggap na raw ni Bimby… KRIS, UMAMING NAGKABALIKAN SILA NI HERBERT
ni Nitz Miralles - @Bida | March 22, 2021

Nagsalita na si Kris Aquino pero ‘yung part na pinangalanan niya si Herbert Bautista pa lang ang narinig namin dahil mahaba ang kanyang pahayag.
Sa narinig namin, may kinalaman nga si Herbert sa desisyon niyang ibenta ang bahay sa Greenmeadows, QC kaya nagre-rent muna siya ng condo sa ibang city.
Nabanggit ni Kris na nagkaroon sila ng reconnection ni Herbert at maganda na sana dahil aprubado na kay Bimby dahil ang sabi nito, nakikita raw niya sa Queen of All Media kung paano tumingin ang dating mayor ng Quezon City.
Dahil election na next year, alam niyang mami-misinterpret na naman siya sa pahayag na “If he is your happiness, then he has my vote.”
Paglilinaw naman ni Kris, anuman ang plano sa pulitika ni Herbert ay sarili na nito ‘yun.
Nabanggit din ni Kris na sa Boracay pala sila dapat titira for six months at nakapag-down na nga sa titirhang villa, pero hindi siya pinayagan ng kanyang mga doctors. Kailangan daw malapit lang siya (sa ospital siguro).
Ang haba pa ng mga pahayag ni Kris, patuloy kaming nakikinig kaya ito na muna ang aming napakinggan.





Comments