top of page
Search
  • BULGAR

Tanggap na olats bilang senador, Kris… HERBERT, MASAYANG NAG-BIRTHDAY KASAMA SI RUFFA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 14, 2022



Kahit hindi pinalad si Herbert Bautista na makasama sa Magic 12 Senators sa katatapos lang na eleksiyon, masaya naman siyang nagdiwang ng kanyang kaarawan, last May 12. Nag-post ang rumored girlfriend ni Bistek na si Ruffa Gutierrez, last Thursday (May 12), na masaya silang nagkakantahan sa videoke. Tawanan sila nang tawanan habang kumakanta ng Maybe This Time na tila akmang-akma sa kanila.


Caption ni Ruffa, “Happyyyy birthday @herbertbistekbautista” at “Cheers to life @herbertbistekbautista.”


Binati rin ni Ruffa si Bistek that day sa It’s Showtime pati na ng kanyang mga co-hosts. Tinanong ni Vice Ganda si Ruffa kung ano ang ibibigay nitong regalo kay Bistek at sagot ng aktres, “I’ll give him cochonillo, umorder na ‘ko. Happy birthday, Bistek!”


As we write ay nasa 98% na ang turn-over ng votes at nasa No. 14 si Bistek sa Senatorial race.


Mukhang tanggap na rin niya na hindi na siya makakapasok sa Magic 12 dahil sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta at bumoto sa kanya. Aniya ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagsisikap para sa magandang bukas.


“Maraming salamat sa inyong patuloy na nag-uumapaw na suporta, tiwala, pagmamahal at pakikiisa para sa mga adhikain at pangarap natin sa bansa.


“Hindi naging madali ang laban na ito ngunit dahil kasama ko kayo patungo sa magandang kinabukasan, nanatili akong matatag sa ngalan ng ating bayan.


“Asahan n'yo pong walang katapusan ang ating pagsisikap tungo sa mas mapayapa at maunlad na Pilipinas.


“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pamilyang Pilipino! Mabuhay tayong lahat!” ang pahayag ni Bistek.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page