Tanggap na may Julie Anne na si Rayver… JANINE, UMAMING ENJOY KAY PAULO
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 2, 2022

Todo-iwas si Janine Gutierrez when asked tungkol sa isyu ng pag-unfollow niya kay Julie Anne San Jose sa Instagram. Si Julie Anne ang nababalitang bagong girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz.
Nakausap namin si Janine sa Manila Metropolitan Theater kung saan ginanap ang 6th Film Ambassadors’ Night last Sunday.
Isa si Janine sa mga nakatanggap ng award para sa kategoryang ‘Creative Awards’ sa FAN ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa kanyang pagkakapanalo bilang Rising Star sa New York Asian Film Festival para sa pelikulang Dito at Doon last year.
Hindi agad nakasagot si Janine kung true ba na in-unfollow niya si Julie Anne na dati niyang kasamahan sa Kapuso Network. Na-“saved by the bell” si Janine nu’ng i-excuse siya ng staff ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra.
Inamin ni Janine na hindi pa sila nagkikita nang personal ni Rayver simula nu’ng pumutok ang balitang break na sila.
“Pero okey naman po kami and I always wish him the best. I’m always rooting for him talaga,” pahayag ni Janine.
Suportado rin daw niya if true ang tsika na si Julie Anne na ang bagong karelasyon ni Rayver.
“Whatever makes him happy, I just want him happy and siyempre, I will always care about him,” sabi ni Janine.
On the other hand, si Janine naman ay nababalitang may bago na ring karelasyon sa katauhan ng kanyang leading man sa katatapos na teleserye ng ABS-CBN, ang Marry Me, Marry You na si Paulo Avelino.
Nagkikita pa rin daw sila ni Paulo and the rest of the cast ng Marry Me, Marry You at tuloy pa rin ang kumustahan sa kanilang group chat sa socmed.
At doon sa GC nila ay palagi pa rin daw silang tinutukso ni Paulo ng mga dating kasamahan sa serye, lalo na si Jake Ejercito.
“Pero actually, ang napag-usapan namin ni Jake was campaign season. So, hopefully, makasama ko rin siya sa mga ganu'ng klaseng ganap.”
Based sa mga posts nina Janine at Jake sa internet, it seems pareho sila ng kandidatong iboboto for president this coming election, walang iba kundi si Vice-President Leni Robredo.
Malamang sa alamang ay makikitang magkasama sina Janine at Jake sa political rallies ng mga Kakampinks, hah?
Going back sa panunukso kina Janine at Paulo ng mga friends nila sa socmed, inalam namin kung pataas na ba ang level nila habang bumababa na ang Alert Level ng COVID-19 pandemic sa ating bansa.
“Well, I’m happy that we are close and…we’ve always been close naman. I guess mas naging close lang kami after nu'ng teleserye and after working together sa ABS,” paliwanag ni Janine.
Natawa naman si Janine when asked kung may chance si Paulo sa kanya just in case na ligawan siya nito.
“Well, we super get along well and I, we’ll see what will happen. Siya na lang tanungin ninyo. But yeah, I really enjoy spending time with him and talking to him,” lahad niya with matching pagkatamis-tamis na ngiti.





Comments