top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tanggap na marami pang puwedeng mangyari… RURU, IPINAGPE-PRAY NA SI BIANCA NA ANG MAPANGASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 16, 2022




Para kay Ruru Madrid, ito na ang pinakamasayang taon niya when it comes to his love life. Of course, alam naman nating lahat na ang girlfriend na si Bianca Umali ang nagpapasaya sa kanya.


“Sobrang saya namin parehas right now. Kumbaga, ‘yung puso namin, punumpuno ng pagmamahal,” sey ni Ruru sa nakaraang guesting niya sa The Boobay and Tekla Show.


Natanong din ang Kapuso actor kung kailan ba niya nakikita ang sarili na maglalakad na sa altar or in other words, kasal.


“Wala sigurong specific na date or age. Kasi for me, ‘yung mga bagay na nangyayari, lalung-lalo na ‘yung mga big events sa buhay natin, hindi natin agad-agad ‘yan puwedeng iplano ahead of time.


“Kasi, once na maramdamam mo ‘yan sa puso mo na it’s time, ‘yun na talaga ‘yun. Wala nang makakapigil pa ru'n,” sey ng aktor.


When asked kung si Bianca na ba ang nakikita niyang babaeng makakasama niya habambuhay, sambit ni Ruru, “Sana siya na.”


Dagdag niya, “Kasi, napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin. Ang daming mga pagsubok pa for sure na pagdaraanan kami parehas. Pero alam ko naman, based sa mga napagdaanan na namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin ‘yun, so for sure, malalampasan din namin muli ‘yun.”


Inamin din ni Ruru na ipinagpapanata niya talaga na si Bianca na ang kanyang makatuluyan.


“Araw-araw, gabi-gabi, ipinagpe-pray ko na sana, siya na talaga ‘yung babaeng nakatakda para sa akin, and totoo 'yun. Walang imposible sa Panginoong Diyos, ‘di ba? Once na ibinigay na ‘yan sa ‘yo, sa ‘yong-sa ‘yo na ‘yan,” he said.


Nang mahingan ng mensahe for Bianca, sobrang nakakakilig ang sinabi ni Ruru.


“Ikaw ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin sa araw-araw para gumising ako sa araw-araw.


Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko ‘pag napapagod na ako sa trabaho, ‘pag nawawalan ako ng pag-asa.


“Ikaw ang nagpapaalala sa akin ng worth ko at ikaw ang nagpapaalala sa akin na maraming tao na nagmamahal sa akin.


“Kaya lagi mong tatandaan, hindi ko man kayang suklian lahat ng mga kabutihan na ginagawa mo sa akin, pero unti-unti, ipaparamdam ko sa ‘yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko,” mensahe ni Ruru sa girlfriend.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page