top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tanggap na ikakasal na kay Arjo… MAINE, SUPORTADO NG FANS KAHIT MAG-ASAWA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 24, 2022




Four years nang magkarelasyon sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde.


Taong 2019 nang sila ay naging malapit sa isa’t isa. Last July, 2022, inihayag na nila sa publiko na sila ay pormal nang engaged.


Kaya expected na ng marami na pakakasal na sila sa pagpasok ng taong 2023. Wala pang detalye na inilalabas tungkol sa kanilang kasal. Ayaw nilang pagpistahan ito ng media.


Masaya at smooth-sailing ang naging relasyon nina Maine at Cong. Arjo sa loob ng 4 na taon. Last November ay namasyal sila sa Paris, France at Madrid, Spain. Super bonding at nag-enjoy sila nang husto. Memorable kina Maine at Arjo ang kanilang roller coaster ride na ginawa sa Paris at Madrid.


Maraming fans ang nagtatanong kung ano ang plano ni Maine pagkatapos ng kanilang kasal ni Arjo Atayde. Magpapatuloy pa rin ba siya sa kanyang showbiz career o magnenegosyo na lamang at magiging full-time wife kay Cong. Arjo?


Pressure rin tiyak sa kanila ni Arjo ang kahilingan ni Sylvia Sanchez na bigyan na siya agad ng apo dahil gusto na niyang maging lola.


Anyway, sigurado naman na hindi bibitaw kay Maine ang kanyang mga loyal fans and supporters.


At magiging masaya na sila na makitang natagpuan na ni Maine Mendoza ang kanyang Mr. Right at ‘the one.’


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page