Tanggap na ayaw magbuntis ng aktres… BF NI NADINE, NAGPA-FREEZE NG SPERM SA FRANCE
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 30, 2026

Photo: IG _nadine
Naiintindihan ng dyowa ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou kung ayaw pa ng aktres na magkaroon ng anak.
Sa panayam ng dalawa sa vlog ni Karen Davila, isa ito sa mga naitanong sa kanila at sey nila, ang pagkakaroon ng anak ay lagi raw nilang napag-uusapan.
“I would say that’s something that we’re not aligned with because s’ya (Chris) kasi, he wants kids,” sey ni Nadine.
“But right now, I don’t know if I want kids, so we’re very different in that,” dagdag ng aktres.
Sabi naman ni Chris, sa ngayon ay okay naman sa kanya na huwag munang magkaroon ng baby at gets naman daw niya kung bakit ayaw ni Nadine na magbuntis sa ngayon.
“I know what she feels about it. It’s like she doesn’t want all the changes and everything in her body, especially those things. It’s just something also I don’t want right now, anyway,” anang Filipino-French businessman.
Sinabi rin ni Chris na open naman sila na mag-adopt ng baby if ever.
“Maybe in a couple of years, like, even if it has to be adoption or like, you know, something like that, there’s a lot of options later on,” sey ng boyfie ni Nadine.
Hirit naman ni Karen, “Or IVF (in vitro fertilization). I hope you preserved your eggs.”
Inamin ni Chris na nagpa-freeze na siya ng kanyang sperm sa Paris nang magpagamot siya ng cancer.
“My stuff is frozen in Paris because of cancer. They do it automatically, like, it’s a thing there,” pagbabahagi ni Chris.
Hindi naman sinabi ni Nadine kung nagpa-preserve na rin ba siya ng kanyang eggs para sa proseso ng IVF o in vitro fertilization.
NANANATILING top TV show sa iWant ang Coco Martin’s Sigabo kasabay ng tumitinding kuwento nito dahil sisimulan na ni Coco Martin ang paghahanap sa karakter ni Edu Manzano na matagal na palang may atraso sa kanilang pamilya.
Dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang pamilya, buong-tapang na nangako si Gabo (Coco) na gagawin niya ang lahat upang matunton si Ricardo (Edu), ang dating kaibigan ng kanyang ama na si Rudy (Joey Marquez), na may kinalaman pala sa pagpatay sa nanay ni Gabo.
Sa pinakahuling episode, nabigyang-linaw ang masalimuot na nakaraan ng pamilya ni Gabo dahil ipinakita kung paano yumaman noong kabataan si Rudy, na ginagampanan ni Zanjoe Marudo, nang mahanap niya ang nawawalang ginto. Ngunit walang natira sa kanya ni isang kusing nang gantihan siya ni Ricardo at nakawin ang lahat ng kayamanan mula sa kanya.
Sa pagkabunyag ng nakaraan ni Gabo, hindi naman maitago ang saya ni Zanjoe sa pagganap niya bilang batang bersiyon ni Rudy sa serye dahil alam niyang tinututukan talaga ng mga Pilipino ang mga teleseryeng gawa ni Coco.
“Alam naman natin na ‘pag teleserye ni Coco Martin, laging inaabangan lalo na ng Pilipinong masa dahil s’yempre, idolo nila siya pagdating sa aksiyon at pagdating din sa romance at nakakakilig na eksena,” kuwento ni Zanjoe sa exclusive interview na inilabas ng CCM Film Productions.
Dapat namang abangan ang umaatikabong aksiyon sa susunod na mga episodes dahil tuluy-tuloy na ang mga misyon ni Gabo, habang sasabak din si NCIA agent Sam (Julia Montes) sa matinding bakbakan laban sa makapangyarihang pamilya Zafra.

%20-%20JAMES%2C%20NAWALAN%20NG%20P150%20M%20DAHIL%20SA%20TIWALA%20SA%20KASOSYO%20SA%20NEGOSYO-IG%20_.jpg)



Comments