Tanggap ang anak niyang si Elias… BAGONG GF NI JOHN LLOYD, KASAMA SA TAPING NG SITCOM
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 27, 2022

Marami ang natuwa nang makita ang kumalat na picture ni John Lloyd Cruz na kasama ang rumored girlfriend na artist na si Isabel Santos at ang anak na si Elias Modesto sa taping ng kanyang sitcom sa GMA-7 na Happy ToGetHer.
Ibig sabihin lang daw nito, hindi na itinatago ni Lloydie ang bagong karelasyon at base sa picture, mukhang tanggap naman ni Isabel ang anak ni John Lloyd.
Isa pang ikinatuwa ng mga netizens ay nagpagupit na ang aktor at clean cut na, hindi na mukhang marungis at matanda. Halatang inspired daw ngayon si JLC.
Happy siya sa kanyang sitcom sa GMA Network. Inaabangan na lang ng kanyang mga tagahanga ang balik-tambalan nila ni Bea Alonzo sa big screen.
So far, financially stable na si JLC, pero it seems wala pa rin siyang balak mag-settle down. Bumabawi pa lang siya sa kanyang career. Mahigit dalawang taon din siyang namahinga nang maging karelasyon si Ellen Adarna.
Ngayon ay inaayos na ni JLC ang direksiyon ng kanyang career.





Comments