Tameme sa kalat na buntis, pero apektado… KIM, IDEDEMANDA RAW ANG MGA NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS LABAN SA KANYA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 12, 2026

Photo: Kim Chiu - IG
May ilang nagtaas ng kilay at nagtaka sa inihayag ni Kim Chiu sa kanyang social media account kahapon, Nov. 11 na, inatasan na raw niya ang kanyang legal team upang magsampa ng kaso laban sa ilang indibidwal at online platforms na nagpapakalat ng fake news, malisyosong tsismis at lumalabag sa kanyang privacy.
Tanong ng ilang taga-showbiz at mga netizens, ang matagal na bang kumakalat na pagbubuntis daw ni Kim ang sinasabi niyang “fake news”?
Kung ito ang sinasabi ni Kim na paninira sa kanyang pagkatao, bakit daw hindi na lang sagutin nang diretso ng Kapamilya actress at It’s Showtime! host na walang katotohanan ang balitang buntis siya courtesy of her rumored boyfriend na si Paulo Avelino?
Matagal nang maraming nagtatanong at nagdududa na buntis si Kim base na rin sa mga ipino-post niyang larawan sa social media kung saan may mga nakakapansin na may umbok ang kanyang tiyan.
Kung diretsahan naman daw na sinagot ni Kim na hindi siya buntis, eh, di natapos na ang isyu?
Kaya nga may ilan din tuloy nag-isip at nagduda na baka part lang ng promo ng MMFF movie nila ni Paulo Avelino ang “buntis issue” kaya hindi pa niya sinasagot hanggang ngayon. Mas magiging interesado nga naman ang mga manonood na panoorin ang pelikula dahil curious sila kung ano ba ang tunay na kalagayan ng aktres.
Hindi na rin naman daw minor si Kim Chiu para magdemanda pa sa ganyang isyu. Hindi lang naman siya ang artistang natsismis na buntis at dahil public figure siya, hindi na bago na intrigahin siya ng mga tao.
At kung tutuusin, mas marami pang masasakit na pamba-bash ang ibinato sa aktres nu’ng mga nakaraang isyu niya, pero pinalagpas na lang niya dahil mas gusto raw niyang mag-focus sa positivity.
Bakit ngayon ay sobrang sensitive yata si Kim sa buntis issue kung ‘di naman pala totoo? Hindi kaya makaapekto ang aksiyon niyang ito sa MMFF movie nila ni Paulo Avelino?
Cinemalaya Best Actress, ayaw makasama… RUBY RUIZ, PINALAYAS SA TENT NG VETERAN ACTRESS
Pinatotohanan ng cast ng Status: Rejected na sina Ms. Ruby Ruiz, Beverly Salviejo at Alessandra de Rossi sa ginanap na mediacon kahapon para sa pelikula na “meron” at “marami” talagang bully na mga kapwa nila artista at maging mga taga-production.
Napag-usapan ang tungkol dito dahil sa tema ng dramedy movie na “rejection”, pero hindi pa rin dapat sumuko para sa pangarap, tulad ng karakter ni Ruby na si Virginia “Biring” Divinagracia.
Una ngang naikuwento ng magaling na aktres, na ikalawang beses na palang nagbida sa pelikula via Status: Rejected, na isa sa mga rejections na tandang-tanda niya ay nang mag-audition siya sa isang project ni Direk Chito Roño.
Pangarap daw talaga niyang maidirek ni Direk Chito kaya nag-audition siya para sa isang role na kailangan sa film. Ang ipinagagawa raw ni Direk Chito ay dumura siya, ‘yung tipong tatalsik ang dura.
Pero hindi raw marunong nang ganu’ng dura si Ms. Ruby kaya naiiyak na talaga siya sa audition niya lalo’t dream pa nga naman niyang maka-work si Direk Chito.
Nang hindi niya magawa ang iniutos ni Direk Chito, tinawag siya at sinabihang “She cannot even carry a character.”
Du’n na raw talaga bumuhos ang luha niya sa sobrang kaba at pagkapahiya.
Pero sinubukan pa rin daw siya sa iba namang role at nakapag-deliver naman siya kaya nakabawi naman daw siya kay Direk Chito Roño na nag-iba na rin ang impresyon sa kanya na nakakaarte naman daw pala siya.
Kasunod naming itinanong kay Ms. Ruby ay kung na-bully na rin ba siya o na-reject ng ilang senior stars na nakasama niya sa mga projects.
Hindi naman ito nag-deny at ikinuwentong may isang veteran actress na nagpaalis sa kanya sa tent. Nice naman daw ang veteran actress nu’ng pinapasok siya sa tent ng isang staff para maging waiting area. Pero paglabas daw ng veteran actress, pinagtatalakan ang PA (production assistant) kung bakit siya isinama sa tent nito.
Naloka si Ms. Ruby kaya habang tumatalak pa ang veteran actress, binuhat na niya ang kanyang upuan at bag at lumabas na sa tent.
Pero may pambawi naman siya. Kung meron daw nagmaldita, puring-puri naman niya ang kabaitan ng the late Movie Queen na si Ms. Gloria Romero.
Sa isang project na pinagsamahan nila, habang nakasakay daw sila sa car, nagyaya itong kumain dahil hindi sure kung may pagkain sa shooting. Nagtulug-tulugan pa nga raw si Ms. Ruby sa loob ng sasakyan dahil wala siyang pera that time at hiyang-hiya siya, pero nag-volunteer daw si Ms. Gloria na manlilibre sa kanilang lahat na nasa sasakyan.
Kaya naman touched na touched siya sa kalinisan ng puso at pagiging mabait ng yumaong Movie Queen.
Si Ms. Beverly naman na gumaganap na best friend ni Ruby Ruiz sa Status: Rejected, ikinuwento ang pangmamaliit sa kanya ng isang make-up artist dahil ang tingin lang daw sa kanya ay “katulong” lang lagi ang role.
Dumating daw siyang naka-make-up sa set pero ipinabura raw ng make-up artist dahil ‘di raw kailangan sa role niyang katulong.
Kaya ang tawag ni Ms. Bev sa mga tulad nito, “maliliit na diyos” dahil mga feeling kung sino sila.
At maging si Alessandra, aminado ring nabu-bully nu’ng una ng ilang kapwa niya artista. Pero nang ipakita raw niya na hindi siya tatablan ng pambu-bully ng mga ito ay naging kaibigan pa niya ang ibang bully.
So, ‘yun daw ang natutunan niya sa showbiz, ang maging palaban dahil kung magpapaapi siya, lalo siyang ibu-bully.
Samantala, matapos ipalabas bilang isa sa mga official entries sa Cinemalaya 2026, muling ibabalik sa mga sinehan at magkakaroon ng nationwide screening simula sa November 18 ang pelikulang Status: Rejected na mula sa direksiyon ni Vahn Leinard C. Pascual.
Ito na raw ang pinaka-daring at most difficult film na ginawa ni Ms. Ruby Ruiz dahil hindi man skin exposure ang ipinagawa sa kanya ni Direk Vahn, hindi naman kinaya ng anak niyang lalaki ang panoorin ang eksena niya habang nag-o-org*sm gamit ang isang cellphone.
Lumabas daw talaga ng sinehan ang anak ni Ms. Ruby habang ang ibang nanonood ay tahimik at tila shocked sa ginawa ng veteran actress.
But of course, marami pang highlight scenes si Ms. Ruby Ruiz sa Status: Rejected kaya siya ang itinanghal na Cinemalaya Best Actress.
The film also carries the distinction of a Cinemalaya NETPAC Award, further marking its
journey from the festival circuit to the big screen nationwide.
Ang Status: Rejected ay collaboration ng Clever Minds, Inc. at Black Cap Pictures.





Comments