top of page
Liza Soberano - IG.jpg

Not once but twice na raw… ASSUNTA, NA-HOLD NG PAL SA MALING PANGALAN, MISTER NA SI CONG. JULES, TUMALAK SA SOCMED

Writer: BULGAR
BULGAR
29 minutes ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 12, 2026



Assunta de Rossi - IG

Photo: Assunta de Rossi - IG



Hindi lahat ng nakisimpatya sa naging aberya ni Assunta de Rossi sa Philippine Airlines (PAL) ay sang-ayon sa paraan ng paglalabas ng reklamo ng mister nitong si Negros Occidental 1st District Rep. Jules Ledesma.


Nag-ugat ang usapin nang magkaroon ng problema sa pangalan sa plane ticket ng aktres nang magtungo sila sa PAL counter sa Bacolod.


Ayon sa post ni Jules sa social media, nakapangalan sa ‘Maria Assunta’ ang ticket ng kanyang misis, samantalang ‘Ma. Assunta’ ang nakasulat sa kanyang identification documents.


Nasa PAL lounge na raw si Jules at ang iba pa nilang kasama nang mapansing naiwan si Assunta sa counter upang ayusin ang nasabing discrepancy. Sinabi rin ng kongresista na pangalawang pagkakataon na nilang naranasan ang ganitong problema.


“Everyone knows Ma. and Maria are one and the same. I’m at the PAL lounge, and my spouse, Ma. Assunta is still at the counter because her ticket is Maria Assunta instead of Ma. Assunta. This is the second time this has happened to us. PAL, WTF (what the f*ck) is going on?!” saad niya.


Ganunpaman, hindi puro simpatya ang natanggap ng kongresista. May mga netizens na nagsabing dapat sana ay naging mas maingat na sila sa paglalagay ng pangalan sa booking, lalo’t nakaranas na sila ng kaparehong aberya noon.


May ilan ding nagpaliwanag na mahalagang sundin ang eksaktong pangalan na nakasaad sa passport o iba pang government-issued identification. Karaniwang instruction naman talaga ng mga airlines sa pag-book ng flight na kailangang magtugma ang pangalan sa ticket at sa valid identification na gagamitin sa biyahe.


Samantala, hindi naman pinalampas ng PAL ang reklamo ni Jules. Naglabas ng tugon ang airline at sinabing sinuri na nito ang booking at ang naging pangyayari sa kanilang Bacolod station.


“We are reviewing how our team handled your case. We understand how upsetting this was for you. We will be emailing you directly,” bahagi ng sagot ng PAL.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa resulta ng pagsusuri ng airline. 


Wala ring malinaw na kumpirmasyon kung nakasabay sa kanilang flight si Assunta matapos ang pag-aayos ng kanyang travel documents.





Hindi si Manilyn na first GF niya…

KEEMPEE, UMAMING SI CARMINA ANG TOTGA DAHIL 2 ½ YRS. SILA



UMAMIN ang aktor-komedyante na si Keempee de Leon sa programa ni DJ Jhai Ho na Kalurks! na si Carmina Villarroel ang kanyang TOTGA (the one that got away), at hindi si Manilyn Reynes na una niyang naging girlfriend.


Sey pa niya, apat na buwan lang umano ang itinagal ng relasyon nila ni Mane noong That’s Entertainment days.


Paliwanag niya, “‘Di kasi nu’ng mga panahon ng That’s Entertainment, mga partner-partner lang, eh, puppy-puppy love pa lang. Iba talaga ‘yung love-love talaga.”


Dagdag pa niya, “Ako, wala akong itinatago, eh. Very transparent kasi ako. ‘Pag alam kong gusto ko ‘yung tao, I flaunt it. Kumbaga, ‘di mo kailangang itago, kailangang ipagsigawan mo na gusto mo ‘tong taong ‘to.”


Isa-isang nabanggit sa usapan ang mga artistang na-link sa kanya, kabilang sina Donna Cruz, Vina Morales, Carmina Villarroel, Ara Mina, Ina Raymundo, Jessa Zaragoza, G. Toengi, Manilyn at Pauleen Luna.


Nang tanungin kung may iba pang pangalan na hindi nasabi, pabirong sagot ni Keempee, “To follow na lang ‘yung iba.”


Sa huli, nang tanungin tungkol sa pinakamalaking “what if” sa kanyang love life, si Carmina ang itinuro niya bilang TOTGA. 


“Ako, very vocal naman. Alam na rin ng mga tao rito, even ‘yung mga taga-showbiz, si Carmina. Kasi s’ya ‘yung pinakamatagal, eh. Mga two years and a half,” sabi ni Keempee.

Samantala, natanong din siya kung maayos pa rin ang samahan nila ng lahat ng kanyang exes. 


Diretsahan niyang sagot, “Mayroong hindi.”

Well, sinetch naman kaya ito?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page